PH delegation pinuri ni Cimatu sa pagkapanalo sa international wildlife conference

PH delegation pinuri ni Cimatu sa pagkapanalo sa international wildlife conference

January 17, 2022 @ 5:48 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Matapos manalo ang Pilipinas sa international wildlife conference, pinuri ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu ang Philippine delegation sa pagkamit nito ng “Most Useful Project Resources Award” sa ginanap na Global Wildlife Programme (GWP) Annual Conference na idinaos virtually noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 2, 2021.

Ayon sa DENR, sa ginanap na conference, itinanghal ng Team Philippines ang pitong video clips at siyam na text documents tungkol sa wildlife at tinalo nito ang 36 projects mula sa 31 bansa sa Africa, Asia at Latin America.

Kaugnay nito sa pamamagitan ng temang “Working Together for Wildlife Conservation,” ang 2021 GWP Annual Conference ay nakatutok sa matagumpay na pagtutulungan, pag-engganyo at pagbibigay ng kapangyarihan sa stakeholders upang suportahan ang wildlife conservation at mapanatili ang local livelihood.

Sa press release ang GWP ay isang World Bank-led Global Environment Facility (GEF)-funded global partnership na hangaring mabawasan ang supply and demand na nagiging dahilan ng illegal wildlife trade (IWT) sa pamamagitan ng mga proyekto sa iba’t-ibang bansa at mas malawak na proyekto na pandaigdig.

“We will leave no stone unturned in our pursuit of illegal poachers, traders, and buyers. We will find and arrest the large-scale syndicates, the middle-men, the financiers, the ‘illegal wildlife lords’,” sabi ni Cimatu.

Samantala sinabi pa ng DENR chief na “the materials are produced to encourage the audience to spread awareness about illegal wildlife trade and inspire them to partner with the agency in protecting, conserving, and managing our country’s resources for the present and future generations.”

“We are proud to share to a wider audience the fruits of our hard work and labor of love from the DENR-Asian Development Bank/GEF Project on Combating Environmental Organized Crime in the Philippines,” dagdag nito.

Layunin ng patimpalak na isinabay sa three-day annual GWP Conference, na maipakita ang “lessons learned, good practices, innovations, at success stories” sa pamamagitan ng knowledge products na kanilang nabuo at maibahagi ito sa ibang bansa na maaaring magamit ito sa kanilang mga gawain.

Kaugnay nito ang partner countries ay nagpakita ng halimbawa ng kanilang knowledge products at resources sa organizing team.

Ito ay ini-upload ng GWP Team sa “HowSpace,” isang digital collaboration platform na bukas sa lahat ng conference participants.

Sa pagtatapos ng event, bumoto ang lahat ng conference participants para sa bansa na may “Most Useful Project Resources,” at iba pang awards.

Ang award ay bahagi ng serye ng mini-competitions kabilang ang “Best Knowledge Market Pitch,” “Best Overall Knowledge Share/Need,” “Most Useful Project Resources,” at “Best HowSpace Collaborations.”

Nominado rin ang Team Philippines sa “Best Knowledge Market Pitch” category at ito ay inirepresenta ni Atty. Theresa Tenazas, OIC-Chief ng Wildlife Resources Division ng DENR. Santi Celario