Ph democracy, ‘work in progress’ – Digong

Ph democracy, ‘work in progress’ – Digong

December 11, 2021 @ 1:14 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Sa kabila ng kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa ‘oldest democracies’ sa Asya, ang demokrasya sa bansa ay isang “work in progress” subalit iginiit na ang mga Filipino ay malayang tao.

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay bahagi ng kanyang talumpati sa huling araw ng Summit for Democracy noong Disyembre 10.

Nagsilbing host ng summit si US President Joseph Biden.

Sinabi ng Pangulo na ang Philippine democratic agencies ay palaging may banta ng napakaraming bilang ng mga usapin.

“While we are the oldest democracy in Asia, our system of governance is not perfect,” ani Pangulong Duterte.

“Corruption, poverty, and peace and order issues have always been and continue to be our major challenges. They weakened our institutions and deprived many Filipinos of democratic agencies,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabila nito, malayo na ang narating ng Pilipinas.

“Today, we have a vibrant democracy and an open and diverse society.”

“Freedom of expression and of the press are fully enjoyed and the regular transfer of power is guaranteed through free and honest elections,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo ang Estados Unidos para sa pagko- convene ng Summit for Democracy, lalo na sa panahon na ang bansa ay nahaharap sa iba’t ibang pagsubok kabilang na ang nagpapatuloy na coronavirus (COVID-19) pandemic.

“These challenges call for the close examination of our democratic institutions while holding fast to the values and principles we have sworn to uphold,” dagdag pa nito. RNT/FGDC