PH dept tutungtong sa P15.4T sa pagbibigay ng ayuda, suspensyon ng oil tax
June 7, 2022 @ 8:50 AM
3 weeks ago
Views:
92
Remate Online2022-06-07T08:59:31+08:00
MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Finance (DOF) na kung tinuloy ang pagbibigay ng cash aid sa gitna ng pandemiya at saka kung aalisin ang oil taxes nang sumirit ang presyuhan nito sa pangdaigdigang merkado, ay maaring lumobo pa sa P15.4 trillion ang utang ng Pilipinas ngayong taon.
“The government has consistently exercised fiscal prudence in responding to the COVID-19 pandemic. We spent what we had to, but not more than what we could afford. In fact, had we acquiesced to pressure for us to spend more, our debt would have increased by P2.2-trillion more and reached P15.4 trillion,” ayon kay DOF’s chief economist, retired undersecretary Gil Beltran.
“The national government’s outstanding debt had been projected to hit a new high of P13.2 trillion by yearend. Even if the economy would grow by 7 to 8 percent as targeted in 2022, the debt-to-gross domestic product (GDP) ratio — a better measure of a country’s capability to repay its obligations — would further rise to 60.9 percent, from the 16-year-high of 60.5 percent last year,” ayon sa DOF.
“Debt-to-GDP already reached 63.5 percent in the first quarter — the highest since end-2005’s 65.7 percent — as debts climbed 17.7 percent year-on-year during the first three months and outpaced the better-than-expected first-quarter GDP growth of 8.3 percent. The end-March ratio remained above the 60-percent threshold deemed by debt watchers as manageable among emerging markets like the Philippines,” dagdag na pahayag ng DOF.
Subalit sinabi naman ng domestic finance group ng DOF na “the passage of proposed COVID-19 stimulus bills and other revenue-eroding measures would have led to additional spending or revenue losses of at least P2.2 trillion.”
Bukod sa pangungutang, ang tax at non-tax revenues na kinolekta ng government ang nag-finance sa national budget.
Sinabi pa ng DOF, ang panukalang mga batas na hindi naman naipasa — ukol sa value-added tax (VAT) exemptions para sa langis, liquified petroleum gas (LPG), electricity at iba pang commodities, at maging ang suspension ng fuel excise taxes; bilang ng mga hakbang na naglalayong makapagbigay ng ng mas maraming “subsidies as economic stimulus” sa gitna ng COVID-19 pandemic; mga batas para sa exclusion ng 13th-month pay, performance-based bonuses (PBB), at iba pang income mula sa taxable income; at maging ang pagtatatag ng bagong government departments at agencies, ay nakapagpalobo sa debt pile.
“The government’s pandemic response strategically targeted the most vulnerable sectors. Financing for the two Bayanihan laws focused on ensuring that the most essential health interventions and emergency economic relief measures for populations most adversely affected by the pandemic were funded fully,” ayon kay Beltran na ang tinutukoy ay ang Bayanihan to Heal as One (Bayanihan 1) at maging ang Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) laws na naipasa noong 2020 para tugunan ang “health and socioeconomic crises” dahil sa COVID-19.
“Aware of the effects of additional spending on our borrowings, the DOF worked closely with legislators to limit the interventions under Bayanihan 2 to P140 billion, despite the objections of many other stakeholders,” ayon kay Beltran.
“The government did not support several stimulus bills, each proposing hundreds of billions of additional appropriations, precisely because we understood that this would translate into further increases in the deficit and debt,” dagdag na pahayag nito.
“To deal with the effects of the pandemic in a strategic and cost-efficient manner, we secured additional financing from multilateral partner-institutions to procure an adequate supply of vaccines for the target population. The accelerated vaccination program, along with shifting to the alert level system with granular lockdowns and increased public transport capacity, enabled us to aggressively reopen the economy and restore jobs,” ang lahad ni Beltran.
Sinabi ni Beltran na sa halip, isinulong ng administrasyong Duterte ang tinawag nitong “fiscally sustainable economic recovery programs,” gaya ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE), at maging ang Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) laws.
Samantala, ipinanukala naman ng outgoing Duterte administration ang fiscal consolidation at resource mobilization plan kay president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para bayaran ang pandemic-induced ballooning debts at mapigilan ang economic and fiscal crises.
“Fiscal consolidation mainly meant higher or new taxes slapped on consumption plus a three-year deferral of scheduled personal income tax cuts, while slashing public spending on non-priority budget items,” ayon sa ulat. Kris Jose
June 22, 2022 @2:27 PM
Views:
23

MANILA, Philippines – Nanumpa na ngayong Miyerkoles, bilang ganap na mambabatas si Alfred “Apid” Delos Santos ng Ang Probinsyano Partylist kay Vice President-elect Sara Duterte-Carpio. Minarkahan nito ang simula ng kanyang pagsapi sa ika-19 na Kongreso at ang kanyang pagbalik sa Kamara bilang mambabatas at tagapagsulong sa pag-unlad ng mga probinsya at mga karapatan ng mga probinsyano. RNT
June 20, 2022 @10:37 AM
Views:
56
MANILA, Philippines – Isang grupo ng mga guro ang nakabuo ng listahan ng mga gusto nilang pagtuunan ng pansin ni Vice President-elect Sara Duterte sa oras na pormal na itong maupo bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).
Nakatakdang magpadala ng pormal na kahilingan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa opisina ni Duterte sa sandaling manumpa siya.
Ang agenda, ani TDC national chairperson Benjo Basas, ay nakatutok kapwa sa kapakanan ng mga guro gayundin sa kalidad ng pagkatuto para sa mga bata na “would require both executive and legislative actions more aggressive than what the country has seen for decades.”
Kabilang sa hihilingin ng grupo kay Duterte ang:
-
better compensation package for teachers and educators both for public and private institutions
-
implementation of the 1966 vintage Magna Carta for Public School Teachers, compensation for those affected by Covid-19,
-
free postgraduate education, provision of free laptop computers and internet services,
-
the creation of a separate insurance system and hospital for teachers, among other benefits.
Para naman sa classroom learning, panukala ng TDC ang mga estratehiyang kinabibilangan ng:
-
reduction of class size
-
provision of learning materials
-
providing facilities and sufficient funding for the safe return to normal school operations.
“We assume that the desire for resumption of face-to-face classes has been discussed in the transition and we expect both the outgoing and incoming DepEd managements agreed to provide mechanisms for safe return to schools,” ani Basas.
Hinihikayat din ng TDC ang “change in curriculum that while still catering to the manpower requirements for economic growth, espouses true national development.”
“We want an education system that inculcates patriotism in the hearts of Filipinos and promotes peace and respect for human rights,” giit pa ni Basas. RNT
June 17, 2022 @5:53 PM
Views:
104
Pinaghalong tuwa at inis ang reaksyon ng ilang tsuwariwap natin sa loob ng Bureau of Immigration matapos ibinaba ni Ombudsman Samuel Martires ang sentensyang pagkasibak sa puwesto ng 45 opisyales ng ahensyang kinasuhan kaugnay sa sindikatong pastillas scheme na pinaniniwalaang ugat ng malawakang pagpasok sa bansa ng mga hindi dokumentadong Tsinoy kapalit ng tongpats na itinatapal sa ilang buwayang ahente sa loob.
Natuwa ang ilang matitinong taga-Immigration kaugnay sa pagkatanggal sa posisyon ng mga mokong bunsod sa napatunayan ng kasalukuyang administrasyon na seryoso ito sa kampanyan laban sa katiwalian.
Samantalang malaki ang katanungan ngayon ng mga taga BI kung bakit ‘yung 45 lang na mga empleyadong hindi naman matataas ang posisyon, ang sinibak sa puwesto at hindi kasama ang pinaniniwalaang padrino nilang naka-upo pa rin sa trono at mas malaki ang parte sa pastillas scheme.
Maniniwala ba kayong walang sacred cows na nasa likod ng sindikatong namayagpag mula noong 2017 kasabay sa paglipana sa bansa ng mga Tsinoy na karamihan ay POGO workers, bago ito nadiskubre at ibinulgar ni Senador Risa Hontiveros noong 2020?
Tangna, kahit batang paslit ay hindi maniniwala na walang basbas mula sa mga bossing sa loob ng Immigration ang panghuhuthot ng 45 na opisyal sa loob ng tatlong taon samantalang hindi pinalalampas ng mga amo nila ang barya-baryang transaksyon sa ahensya batay umano sa sumbong ng mga tsuwariwap natin.
Bagaman ipinagkibit balikat lang ng mga nasibak ang sentensya sa kanila ng Ombudsman bunsod sa milyones na rin ang kinita nila subalit lumutang ang reaksyon sa departamento na kailangang panagutin din daw ang mga padrinong higit na nakinabang sa sindikato.
Hindi lang ‘yan, gaano kaya katotoo na nag-level pa raw ang transaksyon ng suhulan ngayon sa BI sa kabila ng pagsabog nito kung saan milyones na ang ibinabayad ng mga ahente sa loob sa bawat Tsinoy na ipinupuslit sa mga Puerto?
May ilang taga Batasan pa nga raw na kakutsaba ng mga kumag na pumipirma pa sa rekomendasyon para mabilisan ang proseso ng dokumento ng mga dayuhan.
Kelan kaya matatapos ang kawalanghiyaan ng mga opisyal na itong patuloy na ginagamit ang poder upang maipasok ang mga dayuhan sa bansa?
June 17, 2022 @5:51 PM
Views:
129
Malapit nang mag-senior citizen si Gerry, ang aking pinsan sa Barrio Tabulac, San Jose City sa lalawigan ng Nueva Ecija na ang ikinabubuhay ay farming na kinahinatnan na niya dahil ang ama’y dati ring magsasaka.
Tumanda na sa hirap ng trabaho sa bukid pero wala akong narinig na negatibong komento ni-minsan kay Gerry tungkol sa kanyang pagsasaka sa kabila ng napakaraming problema na bumabagabag sa estado n gagrikultura.
Hindi lingid sa kanya ang mga suliranin sa pagsasaka dahil naikukuwento niya sa akin sa tuwing ako’y nadadalaw sa kanilang lugar pero ang sa bilang niya “bahala na ang gobyerno dahil trabaho naman nila ‘yan kuya.”
‘Ika niya, taon-taon ay dinadalaw sila ng iba’t ibang problema – tulad ng patubig, mataas na presyong abono, mataas na upa sa patanim pero pagdating ng anihan, napakamura ang presyo ng kanilang inaaning palay sa merkado.
Dahil walang ibang pagkakitaan kundi sa bukid, wala raw silang karapatang magreklamo dahil kailangan nilang mabuhay, nagtitiis sa kakarampot na kita na nagtagal nang dekada, umaasa na darating din ang maaliwalas na bukas.
Pero tila ‘di na darating ang maliwanag na umaga sa pinsan ko dahil sa kanyang muling pagtawag kahapon sa akin – ang dating tahimik na ‘di ko nakitaan ng daing sa dekada niyang pagsasaka ay ito biglang may problema.
Bulalas niya, balak na raw niyang huminto sa pagsasaka dahil wala nang nangyayari. Imbes na kumita, nababaon lang daw sa utang, lalo ngayong tumataas nang todo ang presyo ng diesel na napakaimportante sa modern farming.
Frankly speaking, nakababahala ang kuwento at biglaang desisyon ng aking pinsan na sa pakiwari ko’y dapat ikabahala rin ng bawat Juan at Maria na concerned at may malasakit sa lugmok na estado ng ating agrikultura.
Dahil ang kuwentong buhay magsasaka ng aking pinsan ay tiyak na kuwento rin ng marami pang ‘Gerry’ sa sektor ng agrikultura na sa rami ng problema sa pagsasaka ay baka mauwi sa krisis sa pagkain ang Pilipinas.
Kapag nagkataon, paano makakamit ng paparating na administrasyon ang P20 a kilo rice na mithing mangyari ni incoming President Bongbong Marcos kung magkukulang ang bansa ng mga magsasaka o trabahador sa bukid?
Tahimik ang susunod na administration, pero dalangin ng aking pinsan harinawa, aniya, si incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na ang kasagutan sa napakatagal nang “sorry state” ng agrikultura ng Pilipinas.
June 17, 2022 @10:23 AM
Views:
140
Manila, Philippines – Ayan na! Nagsalita na si Carla Abellana sa rumored splitup nila ng asawang si Tom Rodriguez.
“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid,” sabi ni Carla sa mga nagtatanong kung bakit hndi raw sila magkaayos na lang ni Tom.
After three months of marriage, malakas ang bulong from the grapevone na hiwalay na na nga sina Carla at Tom. Nakita kasi ng mga netizens na hindi na pina-follow ni Tom si Carla sa IG.
Habang tumatagal ay lumalala ang mga kwento tungkol sa splitup ng dalawa. May lumabas pa ngang item na Inaasikaso na raw ni Carla ang annulment case nila ni Tom.
Nitong huli ay nag-post pa ng cryptic message si Tom na hinuhulaang may konek sa hiwalayan nila ni Carla.
Bukod du’n ay panay pa ang like ni Carla sa nga negative comments ng netizens kay Tom.
“Opo, nag like po ako, pero ‘yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po ‘yun inulit. Nag-like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit-ulit at ng matagal.
“Ang taong lubos na nasaktan, hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid,” sabi pa ni Carla na mulhang matindi ang galit.
“Kung sana hanggang du’n lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.
“Wala po akong ginawang masama kay Tom. Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pagprotekta, lahat lahat na.
“Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede. Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya.
“Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko. 7 na taon pong naipon sa loob ko lahat ‘yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po,” mahaba pang salaysay ni Carla.
Sinabi pa ni Carla na in-encourage niya si Tom to seek help from expert.
“Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil ‘yun din po ang gumana sa akin. Pero wala pa rin po.
Tinanggap ko parin po siya ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos.
“Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sakin. Galit, pride at ego ko siya na rin po ang kumuha sakin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya.
“Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon. Kahit po kung tutuusin wala pa po yung pag like sa iilang comments na yun kumpara po sa nagawa niya sa akin at sa aming lahat, at sa lahat-lahat pa po ng ginawa niya at ginagawa niya.
“Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kanya sa paraan ng pagganti. Pero hindi po ako ganun. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako ng husto.
“Hindi po ako mababaw. Hindi po ako masamang tao. Kung ano po ang nakikita, naririnig at nababasa ninyo online ay kakarampot lang po ng hindi po ninyo nakikita, naririnig at nababasa kapag wala pong kahit anong camerang naka record.
“Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita. Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig at nakikita po ninyo online, sa TV, etc. . Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot po siya Diyos,” mahabang explanation ni Carla.
As of this writing ay wala pa ring sagot si Tom. Joey Sarmiento