PH ‘di na hari ng basketball sa SEAG

PH ‘di na hari ng basketball sa SEAG

May 23, 2022 @ 11:12 AM 1 month ago


INULAN ng batikos si Gilas coach Chot Reyes matapos matanggalan ng korona ang Pilipinas bilang hari ng basketball sa Southeast Asia matapos matalo sa Indonesia sa gold medal round ng 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.

Nasilat ang Gilas sa score na 85-81 sa larong isinagawa sa Thanh Trì District Sporting Hall.

Dahil sa pagkatalo, natuldukan na ang 13-consecutive gold medals steak ng bansa sa SEA Games at kabuuang 33 taon na pagiging hari sa Southeast Asia..

Ayon sa ulat, ito ang unang pagkakataon mula noong 1989 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia na hindi maiuuwi ng Pilipinas ang gold medal sa men’s basketball.

Dahil natalo sa Indonesia, maiuuwi ng Gilas ang silver medal kung saan natapos ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 5-1 win-loss record.

Naging susi sa pagkatalo ng Pilipinas ang pagpapaulan ng 3 points ng Indonesia at  bench scoring na mistulang pagod na sa mga laro ng Gilas sa pangunguna ng ilang PBA players.

Kahit all-professional squad kabilang si dating PBA MVP June Mar Fajardo, Keifer Raven Ravena, Matthew Wright at iba pa ay hindi pa rin kinaya ang karibal na Indonesian squad na kasama and former NBA player Marques Bolden, at naturalized Brandon Jawato at Derrick Michael Xzavierro. RICO NAVARRO