PH economic team sa foreign companies: Investment opportunities sa Pinas, asahan

PH economic team sa foreign companies: Investment opportunities sa Pinas, asahan

January 25, 2023 @ 3:23 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine economic team sa mga  foreign business leaders at investment companies na may iba’t ibang  investment opportunities ang naghihintay sa kanila sa Pilipinas.

Sinabi ng mga miyembro ng  Philippine economic team sa Philippine Economic Briefing (PEB) na idinaos sa Frankfurt, Germany nitong Lunes, Enero 23 na kapag naisip ng mga ito ang paglago sa ekonomiya ay maaari nilang isipin ang Pilipinas.

Ang  PEB ang nagsisilbing plataporma para sa gobyerno ng Pilipinas para bigyan ang  international business at financial communities ng updates kaugnay ng economic performance at investment opportunities sa bansa.

Sa nasabing briefing,  ipinaliwanag ng economic team kung bakit ang Pilpinas ay mayroong comparative advantage kumpara sa ibang ASEAN countries pagdating sa investment environment.

Tinukoy ng mga ito ang structural reforms, young workforce, strong private sector support, priority on infrastructure spending, strategic regional coordination at stable political environment ng bansa.

“This administration has more than a hundred implementation-ready infrastructure projects so if the investors are ready to come in, these are projects that are easy to implement,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa talakayan ukol sa “Build, Better, More program” ng administrasyong Marcos.

Sa naging mensahe naman ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, sinabi nito na inimbitahan niya ang German investing community para suriin ang oportunidad sa larangan ng telecommunications, airports, toll roads, agribusiness, renewable energy at shipping.

Samantala, dumalo rin sa briefing sina  Bangko Sentral Governor Felipe Medalla at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan. Kris Jose