PH economy, posibleng lumampas sa growth target ngayong 2022 – Balisacan

PH economy, posibleng lumampas sa growth target ngayong 2022 – Balisacan

December 19, 2022 @ 6:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Malaki ang posibilidad na malampasan ng Philippine economic growth ang government target ngayong taon.

Ito’y dahil na rin sa performance ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang bansa ay patuloy na nakapagtala ng paglago para sa six straight quarters, na mayroong year-to-date average na lumampas na sa target range na 6.5% hanggang 7.5%.

Ang ekonomiya ay lumago ng  7.6% sa third quarter, dahilan upang ang year-to-date average ay yumabong ng 7.7%.

“I think given the indications that we are seeing in the fourth quarter, it’s likely that we are going to exceed,” ang pahayag ni Balisacan.

Kabilang sa mga posibleng pagmulan ng paglago ayon kay Balisacan ay mas maraming investments sa bansa , construction activities, utilities, at mining, “on top of consumption which continues to drive the economy,” ang wika ni Balisacan.

“We expect that to continue in the near term, next year, but as I said earlier, moving forward into the medium term, we need to expand and diversify sources of growth,” anito.

Sinabi ni Balisacan na ang paglago ay maaari pang tumaas subalit “partly offset” dahil sa mataas na inflation sa bansa , “which  hit a fresh 14-year high of 8.0% in November,” ayon kay Balisacan.

Sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) na inilantad ng National Economic and Development Authority (NEDA), araw ng Lunes, inaasahan ng gobyerno na tatama ang economic growth sa pagitan ng 6.5% hanggang 8.0% sa 2028.

“It also seeks to lower the unemployment rate to between 4.0% to 5.0% by then from 8.0% in 2021, and bring down inflation down to the 2.0% to 4.0% target range from the 5.4% year-to-date average inflation in October,” ayon sa NEDA.

“The same plan aims to bring down the deficit-to-GDP ratio to 3.0%, the debt-to-GDP ratio to 51.1%, and the poverty incidence ratio down to 9.0%, while bringing the Philippine Global Innovation Index up to the top one third,” ayon sa ulat.

Samantala, inaasahan naman ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) na ang paglago ay babagal sa pagitan ng 6.0% hanggang 7.0% sa 2023, “given external headwinds.”

“Together, we must build on and sustain our hard-won gains as a nation. This imperative comes as we aim to recover and secure our position among the most dynamic economies of Asia and the world,” ang wika ni Balisacan.

“Filled with hope for the coming year, we assure you of our unwavering commitment to stay the course and tirelessly work toward attaining our vision…” dagdag na pahayag nito. Kris Jose