PH economy ‘topmost concern’ pa rin ng mga Pinoy – sarbey

PH economy ‘topmost concern’ pa rin ng mga Pinoy – sarbey

December 17, 2022 @ 1:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na ang Philippine economy ang pinakamahalagang isyu na dapat tutukan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Batay sa na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc. saklaw ang kabuuang 1,500 female at male Filipino respondents, hindi bababa sa 25 porsyento ng mgaPilipino ang pinakanababahala sa ekonomiya ng Pilipinas.

“Since the first quarter of 2022, it has been consistent – the Philippine economy. Para sa taong bayan, the Philippine economy is holistic (For the people, the Philippine economy is holistic),” ani Eric Yancy Estrabo ng PUBLiCUS Asia Inc sa public briefing nitong Biyernes.

Sinundan ito ng presyo ng mga bilihin at inflation na may rating na 16 porsyento, mula sa 11 porsyento noong third quarter ng 2022.

“[This] means talagang naaapektuhan sila ng high prices ng commodities sa bansa,” giit ni Estrabo.

Para sa Filipino respondents, dapat ding tutukan ng Pangulo ang mga sumusunod na isyu corruption (11 percent), jobs (11 percent), poverty (10 percent), education (6 percent), wages (5 percent), peace and order or crime (4 percent), illegal drugs (3 percent), and environment (2 percent).

Sa nasabing survey results, ipinakita rin ng PUBLiCUS Asia Inc. ang pinakaimportanteng micro issues o pressing household concerns ng mga Pilipino bago pumasok ang first quarter ng 2023.

Nanguna sa listahan ang “not being able to afford basic needs” sa 17 percent. Sinundan ito ng “difficulty in finding employment” (14 percent), habang “losing a job” at “not getting enough pay” ay parehong nakakuha ng 12 percent.

Ipinakita rin sa Publicus Asia’s 2022 End of the Year survey ang major household concerns ng mga Pilipino sa 2022.

Kasama sa listahan ng micro concerns ang “getting sick with a serious disease apart from Covid-19” (9 percent), “cannot avail health services or hospitalization” sa 8 percent, “getting sick with Covid-19” (6 percent), “become a victim of a crime (6 percent), “unable to buy medicine” sa 4 percent, at “not being able to send children to college” sa 2 percent.

“If you look at the macro and micro issues, you can see that it is a very depressing picture. The concerns [are] very basic. [L]ahat kinakapos kahit na may ginagawa ang gobyerno. Kapag nilagay mo na sa actual na konkretong nae-experience nila, kapos na kapos pa rin,” pahayag ni Dr. Rosalina Ora’a-Fuentes ng Southeast Asia Interdisciplinary Development Institute. RNT/SA