PH economy tumaas ng 7.2% noong Q4 2022

PH economy tumaas ng 7.2% noong Q4 2022

January 26, 2023 @ 3:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patuloy na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa hulinh tatlong buwan ng 2022, dahilan para lumampas ang full-year gross domestic product (GDP) sa target ceiling ng pamahalaan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.

(Larawan kuha ni Danny Querubin)

Lumago ng 7.2% ang  ekonomiya, na sinusukat sa GDP o “total value of goods and services produced in a specific period”, noong October hanggang December 2022.

Lumampas din ang economic growth sa huling tatlong buwan ng 2022 sa median analyst forecast na 6.8%.

Dahil dito, pumalo ang ang full-year economic growth performance sa 7.6%.

Mas mataas ito sa target band ng pamahalaan na 6.5% hanggang 7.5% para sa 2022. 

“This robust fourth-quarter growth implies a 7.6% full-year growth in 2022 that exceeds the Development Budget Coordination Committee’s target of 6.5 to 7.5% for the year,” pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa isang press briefing.

Para naman kay PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa, “The 7.6% growth rate for full-year 2022 is the highest since 1976 under the 2018 base year.”

“That time in 1976, the GDP growth was recorded at 8.8%,” dagdag ni Mapa. RNT/SA