PH election nakasunod sa int’l standards – US

PH election nakasunod sa int’l standards – US

May 11, 2022 @ 11:32 AM 2 weeks ago


Kinilala ng Estados Unidos ang nakaraang halalan sa Pilipinas na nakasunod sa international standards ng eleksyon.

Sinabi pa ng Estados Unidos na handa silang makipagtulungan sa sa susunod na magiging pangulo ng Pilipinas pagdating “sa mga pangunahing karapatang pantao at mga prayoridad sa rehiyon.”

Sinabi pa ni US State Department spokesman Ned Price sa media sa Washington na kapag nahalal na ang susunod na Pangulo ay makikipagtulungan ang US “to strengthen the enduring alliance between the United States and the Philippines.”

“We’re monitoring the election results and we look forward to renewing our special partnership and to working with the next administration on key human rights and regional priorities,” ani Price.

Nang tanungin kung ang US ay may anumang alalahanin kay Ferdinand Marcos Jr. na posibleng maging susunod na pangulo, sumagot si Price: “What I can say from a technical standpoint is that we understand the casting and counting of votes to have been conducted in line with international standards and without significant incident.”

“The counting is still underway. It is not for us to declare a winner. We’ll wait for the Philippines election authorities to do that. We look forward to working with the president-elect on the shared values and the shared interests that have united our countries across generations,” giit pa ni Price.

Batay sa hindi pa opisyal at partial election returns na natanggap ng church-backed election watchdog Parish Pastoral Council for Responsible Voting at mga awtorisadong media outlet sa pamamagitan ng Commission on Elections Transparency Media Server, si Marcos Jr. ang nangunguna sa presidential race na may landslide margin sa kanyang pinakamalapit na challenger, si Vice President Leni Robredo, at walong iba pang kandidato.

Sinabi ni Price na walang nakikitang pagbabago ang US sa relasyon nito sa pangunahing kaalyado nito sa Asya.

Ang Amerika, idinagdag niya, ay patuloy ding makikipagtulungan nang mahigpit sa Pilipinas “upang isulong ang isang malaya at bukas, konektado, maunlad, ligtas, at matatag na rehiyong Indo-Pacific.”

“We’ll also continue, as I said before, to promote respect for human rights and the rule of law which is fundamental to US relations with the Philippines and in other bilateral contexts as well,”  sabi pa ni Price. RNT