PH embassy nagbabala sa mga OFW vs lethal Israel raid

PH embassy nagbabala sa mga OFW vs lethal Israel raid

January 28, 2023 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine embassy sa Israel sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na maging mapagbantay sa gitna ng lethal raid sa West Bank, Israel kung saan ilang Palestinians ang nasawi at nagtamo ng sugat.

Sa Facebook post nitong Huwebes, pinaalalahanan ang OFWs na umiwas sa ilang lugar hanggang Enero 28.

Kabilang dito ang West Bank, mga lugar sa Jerusalem, Golan Heights at borders ng Lebanon at Gala.

Batay sa Palestinian Ministry Head,naiulat na napatay ng Israeli forces ang 10 at nasugatan ang ilang Palestinians sa isang refugee camp sa West Bank ng Jenin nitong Huwebes.

Ayon sa Israeli security forces, isinagawa ang raid para mahuli ang “terror squad belonging to the Islamic Jihad terror organization,” na nagresulta sa pagkakapatay sa tatlong “terrorists.”

Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Israel ang OFWs na umiwas sa Israeli security forces sa conflict areas at huwag magrecord ng kahit ano.

Nag-post din ito ng emergency hotlines sakalaing kailanganin ng tulong ng OFWs.

Samantala,  hinikayat ang OFWs na umiwas sa pagpunta sa matataong lugar at maging maingat sa pagsakay sa public transportation. Pinaalalahanan din sila na sumunod sa utos ng Israeli security forces at ng Home Front Command.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs na hinihintay pa nito ang ulat upang matukoy kung may Pilipinong apektado sa raid sa Israel kamakailan. RNT/SA