PH embassy tumulong sa mga stranded Pinoy sa Sabah

PH embassy tumulong sa mga stranded Pinoy sa Sabah

September 10, 2022 @ 10:51 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpaabot ng tulong ang Embahada ng Pilipinas sa Malaysia sa mga Pinoy na naistranded sa Sabah.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng welfare assistance, COVID-19 testing at pag-iisyu ng travel documents para makauwi ang mga ito dito sa bansa.

“The return of Filipinos from Sabah to Zamboanga during the COVID-19 pandemic has always been coordinated between Sabah authorities and the Task Group for the Management of Returning Overseas Filipinos (TG-MROF), which is the Philippine government body tasked to oversee the Sabah transfers,” ani Philippine Ambassador Charles Jose sa isang statement.

“This is to ensure the safe and orderly travel of all returning Filipinos and to minimize the risks of COVID-19,” dagdag pa niya.

Nitong Martes ay mayroon nang nasa 750 na mga undocumented Filipinos ang napabalik mula sa Sandakan, Malaysia patungong Zamboanga City.

Ayon sa ulat, ang mga ito ay nakaditene mula pa 2020 sa paglabag sa travel requirements ng Malaysia.

Siniguro naman ng Philippine Embassy na makikipagtulungan ito sa mga otoridad sa Sabah para sa ligtas na pagpapauwi sa mga stranded Pinoy. RNT/JGC