PH envoy sa China leadership change: Investment pledge sa Pinas, ‘di mauudlot

PH envoy sa China leadership change: Investment pledge sa Pinas, ‘di mauudlot

March 15, 2023 @ 2:18 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Philippine Ambassador to the People’s Republic of China Jaime FlorCruz na mananatili ang trade cooperation, kabilang na ang mga investment pledges na nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbisita nito sa Beijing sa kabila ng pagpapalit sa liderato ng pamumuno sa China.

“We trust that China’s commitments in investments and cooperations by its government and its business sectors will still be pursued even as we’ve seen a change in the government’s leadership,” sinabi ni FlorCruz nitong Martes, Marso 14.

Sa kabila na nanalo pa rin si Xi Jinping sa ikatlong termino bilang Pangulo ng China, nahalal naman ng National People’s Congress (NPC), parliament ng nasabing bansa, si Li Qiang bilang kapalit ni Li Keqiang bilang premier kasabay ng pagpupulong nitong Linggo, Marso 12.

Ang Chinese premier ay inaatasan na pamahalaan ang ekonomiya ng China.

Nangako naman si Li na “work hard to build a prosperous, strong, democratic, civilized, harmonious, and great modern socialist country.”

Ani FlorCruz, ang mutually beneficial na relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas
“will ensure that we both pursue pragmatic goals.”

Sa pagbisita ni Marcos sa China, matatandaang nakapag-uwi ito ng USD22.8 billion ng investment commitments maliban pa sa pinirmahang dalawang kasunduan na magsisiguro ng sustainable supply ng agriculture inputs, partikular na ang mga fertilizer.

“The state visit of President Marcos set a good tone in the (Philippines-China) relationship. Remember it happened at a very difficult time, there were many obstacles before it happened. I think it was significant that it happened despite everything and it is symbolic of how the two countries’ leaders paid importance to the relationship,” sinabi ni FlorCruz.

“We are tracking the implementation, you would understand some of them will take time – big ticket items that will take time but we want to at least in the next several weeks and months to come up with big-ticket projects, maybe one or two, so that we can get the momentum and then show the President and our people that the good relations remain tangible to our people,” dagdag pa niya. RNT/JGC