PH factory growth, pumalo sa 10-month high noong Enero

PH factory growth, pumalo sa 10-month high noong Enero

March 9, 2023 @ 4:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinalubong ng Pilipinas ang  2023  na may rebound sa factory production matapos na pumalo ang paglago sa three-month low na naitala noong nakaraang Disyembre.

Ito ang makikita sa government data na ipinalabas, araw ng Huwebes.

Base sa preliminary results ng  Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) ng Philippine Statistics Authority (PSA) makikita na ang  volume of production index (VoPI) ay lumawak ng 10.6% year-on-year noong Enero.

Ang  pinakabagong pagpapalawak kumpara sa 4.2% noong Disyembre  at 10.9% sa nakalipas na taon. Ito na ang pinakamabilis na pagpapalawak sa loob ng 10 buwan simula  March 2022’s 346.1%.

Ang  mas mataas na  annual growth rates ay naitala sa pag- manufacture ng food products (17.3%), beverages (31.1%), iba pang non-metallic mineral products (22.6%), at iba pang manufacturing at repair at installation ng machinery at equipment (30.5%).

Maapos ang kontraksyon noong Disyembre, nakita ang rebounds  sa manufacture ng electrical equipment (53.5%), transport equipment (24.3%), wearing apparel (13.7%), recorded media (13.0%), pharmaceutical products (11.2%), textiles (11.1%), tobacco products (1.6%), at basic metals (0.8%).

Samantala, napaulat naman ang pagbagal sa  pag-manufacture ng leather (14.9%); wood, bamboo, cane, rattan (11.0%); machinery and equipment except electrical (8.4%); chemical and chemical products (6.9%); and paper (0.8%).

Ang contraction ay napaulat sa pag-manufacture ng coke at refined petroleum products (-11.6%); computer, electronic, at optical products (-7.3%); rubber at plastic products (-5.7%); fabricated metal products (-3.0%); at furniture (-18.9%).

Ang  average capacity utilization rate para sa buwan ay  72.6%,  mas mataas sa  71.5% na naitala noong Disyembre.

May 21.1% ng establisimyento ang “operated at full capacity”, habang  39.3% ang “operated at below 70% capacity.”

Pagdating naman sa  value of production index (VaPI), ang paglago ay pumalo sa 15.4%,  mas mabilis sa  9.5% noong Disyembre at  15.1% ng kahalintulad na buwan noong  2022.

Ang pinakabagong data ay  alinsunod sa resulta ng  S&P Global Philippines Manufacturing PMI,  “which compiles responses of purchasing managers in a panel of around 400 manufacturers across the country.”

“Overall, strong domestic demand fed into higher optimism for the year ahead,” ayon kay S&P Global Market Intelligence Maryam Baluch.

“Moreover, the lack of COVID restrictions, greater investment in new products and undertaking new projects aided hopes of a prosperous year for the Filipino manufacturing sector,” dagdag na wika nito. Kris Jose