PH giant lantern festival, muling umarangkada!

PH giant lantern festival, muling umarangkada!

December 22, 2022 @ 2:48 PM 2 months ago


SAN FERNANDO- Muling umarangkada ang century-old giant lantern festival sa Pilipinas, matapos ang tatlong taong pagkakatigil ng in-person celebrations dahil sa COVID-19 restrictions.

Dumarayo ang mga tao sa San Fernando City sa Pampanga, na kilala rin bilang “Christmas capital,” ng bansa, upang tunghayan ang naka-display na lanterns mula Dec. 17 hanggang Jan. 1.

Huling ikinasa ang in-person giant festival noong 2019. Ikinatuwa naman ng maraming Pilipino ang pagbabalik nito.

Ang mga lanterns, na kumakatawan sa mga village sa San Fernando, ay may sukat na 20 feet (diameter) at naglalaman ng mahigit 8,000 light bulbs na umiilaw kasabay ng Christmas songs at pop music na pinatutugtog sa background.

Ngayong 10, 10 barangay ang nagpaligsahan sa giant lantern light show

Umaabot ng dalawa hanggang tatlong buwan at dose-dosenang indibidwal, kabilang ang welders at electricians, upang gumawa ng giant lantern, na tipikal na nagkakahalaga ng $16,000. Makatatanggap ang waging barangay para sa taong ito ng halos $5,000, doble ng presyo noong mga nakalipas na taon.

Sa address sa pagbubukas ng event  binigyang-diin ni Vilma Caluag, alkalde ng San Fernando, ang kahalagahan ng giant lantern festival, at sinabing “it must be sustained because it inspires hope in us to go on.” RNT/SA