PH gov’t hinikayat na bumili ng anti-COVID drugs vs Omicron

PH gov’t hinikayat na bumili ng anti-COVID drugs vs Omicron

December 5, 2021 @ 3:12 PM 10 months ago


MANILA- Iginiit ng isang molecular biologist nitong Linggo na kailangang bumili ng pamahalaan ng Pilipinas ng dalawang anti-COVID drugs na nilalabanan ang lahat ng variant ng coronavirus disease (COVID-19), kabilang na ang Omicron.

“We have drugs now from Merck and Pfizer and these drugs will attack all the variants equally well. The Philippines has to try to buy these drugs,” pahayag ng siyentistang si Fr. Nicanor Austriaco sa TeleRadyo.

Si Austriaco na nagtuturo sa University of Sto. Tomas at may PhD sa Biology mula sa Massachusetts Institute of Technology, ay tinutukoy ang molnupiravir at paxlovid, na ginawa ng American pharmaceutical companiesna Merck at Pfizer.

Nitong linggo lamang, inirekomenda ng of experts mula sa Food and Drug Administration (FDA) ng Estados Unidos ang authorization ng molnupiravir upang gamutin ang COVID-19 matapos mapatunayang epektibo ang naturang gamot laban sa respiratory illness.

Naglabas naman ang FDA ng Pilipinas ng compassionate special permit sa paggamit ng molnupiravir sa ilang mga ospital.

Nitong Nobyembre, dumating ang molnupiravir sa Pilipinas sa pamamagitan ng lokal na pharmaceutical company.

Base sa pag-aaral ng Pfizer kamakailan ukol sa paxlovid, nakitaan nila ang gamot ng mabisang pagpapababa sa posibilidad ng pagkaka-ospital o kamatayan para sa mga indibidwal na nasa hustong gulang.

“The Pfizer drug, called paxlovid, is going to be public soon. And once that’s public, it will change the way we manage the pandemic because if you get it, even if it’s Omicron or something else, we’ll just give you the drugs. And you can take it at home – once in the morning, once at night,” paliwanag ni Austriaco.

“This is prescription only so it’s in the hospital. The doctor has to prescribe,” dagdag pa niya ukol sa dalawang gamot.

“We anticipate that both of these drugs will be used in our hospitals probably in the next few weeks. And then hopefully, it will be available around the world, including sa Pilipinas,” giit niya. RNT/SA