PH gov’t magiging ‘more responsive’ sa pangangailangan ng mga Pinoy – OPS

PH gov’t magiging ‘more responsive’ sa pangangailangan ng mga Pinoy – OPS

August 17, 2022 @ 8:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magiging “more responsive” na ang gobyerno sa mga pangangailangan ng mga Filipino.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na maliban sa pagpapalaganap ng impormasyon sa polisiya, programa, aktibidades at achievements, iimbitahan din ng OPS ang publiko na magbigay ng feedback bilang bahagi ng pagsisikap na makapanghikayat ng citizen engagement.

“Hindi lang po kami nagde-disseminate ng impormasyon. Bahagi po ng ating mandato ay makinig,” ayon kay Cruz-Angeles sa isinagawang virtual attendance sa Senate Committee on Public Information and Mass Media hearing, araw ng Lunes.

Aniya, imo-monitor ng pamahalaan ang social media platforms upang kaagad na makakuha ng tugon mula sa mga mamamayan.

“Mahalaga sa amin yung social media namin dahil nakikita namin dito kung ano yung mga larangan kung saan namin kailangan punuin ng impormasyon na kinakailangan ng taongbayan,” dagdag na pahayag ni Cruz- Angeles.

Tatanggapin din aniya ang feedback via postal system.

Samantala, inaayos naman ng OPS na ilagay ang communication units ng mga ahensiya na nasa ilalim ng Executive Branch sa front line ng impormasyon.

Pinagsisikapan din ng gobyerno na “reduce disinformation, misinformation, and mal-information through streamlining of the information process.”

Ang iba pang plano ay kinabibilangan ng “The National Printing Office and APO Production Unit target to minimize printing costs to attain a long-term goal that will encourage reading and writing books; The Philippine News Agency (PNA) portal will be relaunched as the country’s premier news portal; PTV-4 will become the primary channel for news, public service, and information in the country; IBC-13 is in the works to be the avenue of culture, arts, and educational shows; Philippine Broadcasting Service stations will air more Filipino works in music and literature; at The OPS Digital Media Unit will work with agencies in upgrading their websites to be more responsive, user-friendly, and packed with information.

Sa ilalim ng Executive Order 2, ire-reorganisa ng OPS ang binuwag na Presidential Communications Operations Office (PCOO) at mga attached agencies nito.

Sa kasalukuyan, ang OPS ang nangangasiwa sa operasyon ng state-run TV stations PTV-4 at IBC-13, radio station Radyo Pilipinas, at PNA. Kris Jose