PH gov’t nagpalabas ng P18.3B para sa cash transfer program

PH gov’t nagpalabas ng P18.3B para sa cash transfer program

January 17, 2023 @ 3:06 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagpalabas ang pamahalaan ng kabuuang P18.3 bilyong subsidiya sa  halos 9.2 milyong benepisyaryo bilang bahagi ng targeted cash transfer (TCT) program, ayon sa Department of Finance (DoF).

“The TCT program intended to alleviate the initial shocks caused by high fuel prices on the most vulnerable households. Now that our economy is recovering strongly and world oil prices are gradually stabilizing, we are shifting our focus towards ensuring food security to control inflation,” pahayag ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno nitong Lunes.

Sa ilalim ng programa, gagawaran ng pamahalaan ng cash payments ang mahihirap na pamilya na nagkakahalaga ng P500 kada buwan sa loob ng anim na buwan.

Target ng programa, na inilunsad noong June 2022 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin. Napaso ito noong Dec. 31, 2022.

Ipinamahagi ang pinakahuling payout ng obligated subsidies sa pagitan ng Jan. 4 hanggang Jan. 14 ngayong taon.

Inisyal na target ng programa ang 12.4 milyong benepisyaryo, gaya ng low-income households na dating kasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) maging ilang dating recipients ng unconditional cash transfer program.

Pinangangasiwaan ng Land Bank of the Philippines ang pamamahagi ng cash subsidy sa pammaagitan ngcash cards, ibang bangko, electronic money issuers, at remittance centers. RNT/SA