PH gov’t nagsasagawa ng hakbang vs kahirapan – NEDA

PH gov’t nagsasagawa ng hakbang vs kahirapan – NEDA

October 23, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpapatupad na ang administrasyong Marcos ng mga hakbang para muling buhayin ang ekonomiya at tulungan ang mga pilipino na iahon ang buhay mula sa kahirapan sa gitna ng kamakailan lamang na survey na nagsasabing 49% ng pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, at director general ng National Economic and Development Authority (NEDA), na ang pagtaas ng inflation nang isagawa ang Social Weather Stations (SWS) kung saan mayroong 1,500 respondents noong Setyembre 29 hanggang Oktubre 2, ay tumaas nang 1% mula sa nagdaang halalan.

Tinatayang 29% ang inilagay ang kanilang sarili sa “borderline” naghati ang mahirap at hindi mahirap habang 21% ang kinonsidera ang sarili bilang hindi mahirap, ayon sa survey.

“(Results of the SWS survey are) expected, given the acceleration of inflation, particularly in food and transport, during the period,” ayon sa Balisacan sa isang kalatas sabay sabing . “Note that inflation has been coming partly from external factors, including global supply disruptions caused by the Ukraine-Russia war.”

Idinagdag pa nito na poverty incidence ay maaaring mas tumaas kapag nabigo ang gobyerno na muling buksan ang ekonomiya at naipamahagi ang targeted subsidies sa low-income households, public utility drivers, magsasaka at mangingisda.

Tiniyak naman ni Balisacan na “government is fast-tracking the distribution of cash aid to the poor and vulnerable sectors, and increasing the food supply in the country to give Filipinos a comfortable life.”

“Moving forward, we need to speed up providing financial assistance to the poor (and) most vulnerable groups, implementing our food production enhancement programs, and executing timely food importation,” ani Balisacan. Kris Jose