PH gov’t nagsasagawa ng mga hakbang sa pagtugon sa inflation – NEDA

PH gov’t nagsasagawa ng mga hakbang sa pagtugon sa inflation – NEDA

April 5, 2022 @ 3:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Gumagawa na ang pamahalaan ng hakbang para tugunan ang inflationary pressures na dala ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Iniulat ng Philippine Statistics Authority, araw ng Martes na tumaas ang headline inflation ng 4 porsyento nitong Marso 2022 mula sa 3 porsyento sa nakalipas na buwan.

Ang napaulat na inflation rate ay alinsunod sa median analyst forecast na 4 porsyento at nakapaloob sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 3.3 hanggang 4.1 porsyento.

Ang year-to-date inflation rate na 3.4 porsyento ay nananatili sa loob ng 2 porsyento hanggang 4 porsyento na target range para sa taon.

“We have been proactively monitoring the impact of the Russia-Ukraine conflict. As early as March 7, the Economic Development Cluster (EDC) has already proposed interventions to manage the impact on the economy and the people,” ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.

Ang mataas na inflation rates para sa food at non-food commodity groups ay resulta ng ‘faster inflation’ para sa March 2022.

Ang food inflation ay tumaas ng 2.8 porsyento mula sa 1.1 porsyento nitong Pebrero.

“Notably, corn inflation remained high at 31.3 percent in March 2022 as global conflicts further constrained the world corn supply,” ayon sa NEDA.

“Increases in the inflation rates for flour and bread, meat, fish, vegetables, and sugar also contributed to the faster food inflation,” ayon pa rin dito.

Samantala, ang non-food inflation ay umakyat ng 5 porsyento nitong Marso 2022 mula 4.1 porsyento sa nagdaang buwan, karamihan ay bunsod ng tumaas na presyo ng langis.

Tumaas din ang transport inflation ng 10.3 porsyento mula 8.8 porsyento.

“The EDC’s policy interventions to manage supply and prices of key commodities include expanding supply and reducing prices of pork by extending the lower tariff of 15 percent in quota and 25 percent out quota with minimum access volume of 200,000 metric tons until December 2022; accelerating the release of imported pork from cold storages; passing the proposed Livestock Development and Competitiveness Law and pursuing the livestock value chain reform to address rising corn and feeds prices; accelerating the release of sanitary and phytosanitary import clearance from the National Meat Inspection Service’s cold storage warehouses to push up chicken inventory, and removing all non-tariff barriers,” ayon sa NEDA.

Idagdag pa rito, may 158,000 ‘corn farmers at fisherfolk’ na nakarehistro sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture ang nakatakdang makatanggap ng P3,000 bilang fuel subsidy.

Para pagaanin ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo, sinabi ni Chua na mamamahagi ang pamahalaan ng unconditional cash transfers na nagkakahalaga ng P500 kada buwan para sa mga “poorest” 50 porsyento na pamilya.

Bukod dito, mayroon namang 115,000 public utility vehicle drivers at operators ang makatatanggap ng P6,500 kada isa sa ilalim naman ng Pantawid Pasada program.

“The government stands ready to support consumers, commuters, public transport drivers and operators, and agricultural producers to ease the impact of high oil and commodity prices. As Covid-19 (coronavirus disease 2019) cases subside, we also aim to move the entire country to alert level 1 to provide more opportunities for Filipinos to earn and provide for their families amid inflationary pressures,” dagdag na pahayag ni Chua. Kris Jose