PH gov’t nakatipid ng higit P681M noong 2022 – DBM

PH gov’t nakatipid ng higit P681M noong 2022 – DBM

January 17, 2023 @ 1:14 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang umabot sa mahigit P681 milyon ang natipid ng gobyerno noong nakaraang taon.

Sinabi ni DBM- Procurement Service Executive Director Dennis Santiago, ang malaking natipid ng pamahalaan ay dahil na din sa transparent at episyenteng procurement system na ipinatupad ng ahensiya.

Ani Santiago, mas malaki ang natipid nnoong nakaraang taon kumpara noon 2021 na nasa higit P559 milyong piso at higit naman sa P661 milyong piso noong 2020.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni DBM Chief Amenah Pangandaman na sa nakalipas na tatlong taon ay nagawa ng pamahalaan na makamit ang aniya’y significant cost savings sa pamamagitan ng maramihan o bulk procurement, market price monitoring and validation.

Ayon sa Kalihim, ang naisubi ay kino-compute mula sa pagkakaiba ng total market selling price at ng PS-DBM selling price para sa bawat common-use supplies at equipment. Kris Jose