PH gov’t nakiramay sa pagkamatay ni UAE President Sheikh Khalifa

PH gov’t nakiramay sa pagkamatay ni UAE President Sheikh Khalifa

May 15, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpaabot ng pakikiramay at pakikidalamhati ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), araw ng Linggo sa United Arab Emirates (UAE) matapos pumanaw si President Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan, 73, araw ng Biyernes.

Si Khalifa, bihirang makita ng publiko sa nakalipas na taon dahil sa isyung pangkalusugan.

Ang kanyang kapatid at de facto ruler ng UAE, 61-year-old Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, ay nahalal bilang Pangulo kasunod ng Federal Supreme Council.

“The Government of the Republic of the Philippines and the Filipino nation stand in solidarity with the United Arab Emirates and its people as they mourn the passing of His Highness Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan, President of UAE,” ayon sa kalatas ng DFA.

Sa panahon ng kanyang 18 taon bilang Pangulo, pinangunahan ni Sheikh Khalifa ang UAE “with wisdom and tolerance towards becoming a global economic powerhouse,” ayon sa DFA.

“His Highness’ legacy has secured a bright future for his country’s future generations,” dagdag na pahayag nito.

Nagpalabas naman ng kanyang kalatas si Hjayceelyn Quintana, Philippine Ambassador to the UAE, araw ng Sabado, kung saan ay sinabi nito na “expressing heartfelt gratitude for what His Highness Sheikh Khalifa has done as the highest leader and great friend of many nations during his illustrious lifetime”.

Ang dalawang bansa ay mayroong “mahigpit na ugnayan” dahil na rin sa may mahigit 800,000 Filipino workers ang nasa UAE, isa sa itinuturing na “top remittance sources” ng Pilipinas.

Kapuwa nagpahayag naman ang dalawang bansa na isulong ang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA), magsisilbing plataporma upang makamit ang malawak na merkado ng Gitnang Silangan kabilang na ang Gulf Cooperation Council.

Sa kabilang dako, nauna nang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na layon ng Pilipinas na gawin ang UAE bilang gateway ng bansa sa North Africa sa pamamagitan ng CEPA.

Pinasalamatan naman ng UAE ang gobyerno ng Pilipinas sa pagsuporta nito sa hangarin nitong mag-host ng 28th Climate Conference na tutuon sa “highlighting the economic opportunities in climate action,” na nakatakda sa Dubai sa darating na Nobyembre 6 hanggang 17, 2023.

Ang Dubai’s 16-story Burj Khalifa, kasalukuyang itinturing na world’s tallest building dahil sa mahigit na 828 meters o 2,716.5 feet, ay ipinangalan sa namayapang ruler.

Samantala, inoobserbahan ngayon sa UAE ang 40-day state mourning kung saan naka-half-mast ang watawat.

Suspendido ang lahat ng trabaho sa lahat ng “ministries, departments, and federal, local at private entities” sa loob ng tatlong araw hanggang Lunes. Kris Jose