PH gov’t target bumili ng bivalent COVID jabs sa Moderna, Pfizer

PH gov’t target bumili ng bivalent COVID jabs sa Moderna, Pfizer

December 29, 2022 @ 6:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Binabalak ng Pilipinas na bumili mula sa Moderna at Pfizer ng modified COVID-19 vaccines na tuma-target sa omicron variant at sa orihinal na virus, ayon sa Department of Health nitong Huwebes.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nasa “advanced stage” na ang negosasyon sa Moderna para sa tinatawag na bivalent vaccines.

Lumagda rin ang health agency ng confidential disclosure agreement sa Pfizer, dagdag niya.

“We are trying to procure from both manufacturers but it depends on the stage of the process,” ani Vergeire sa press briefing.

Bibili muna ang pamahalaan ng “minimal” doses ng omicron-specific vaccines.

“Meron naman tayong usapan with the manufacturers na kung saka-sakaling nakita nating tumaas pa ‘yung demand, maaari tayong umorder agad-agad sa kanila at ma-deliver nila agad-agad,” sabi ni Vergeire.

Ginawaran ng Food and Drug Administration nitong nakaraang linggo ng emergency use authorization ang bivalent coronavirus jabs ng Moderna at Pfizer.

Inihayag ni Vergeire na bumubuo na ang DOH ng mga alituntunin sa paggamit ng bivalent vaccines sa priority population.

“As for the DOH, we are already coordinating with suppliers for the procurement of bivalent vaccines. We are targeting to have vaccines available by Q1 of 2023. We are also coordinating with potential donors of COVID 19 bivalent vaccines,” anang DOH nitong nakaraang linggo.

Sa kasalukuyan, mahigit 73.7 milyon o 94.45 porsyento ng eligible population sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. RNT/SA