PH health emergency, kalusin na-eksperto

PH health emergency, kalusin na-eksperto

September 4, 2022 @ 8:42 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Iginiit ng isang eksperto sa kalusugan na hindi na kailangan oang pahabain pa ang ipinatutupad na COVID-19 state of calamity sa buong bansa.

Matatandaang Marso 16, 2020 nang ideklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Proclamation 929 ay nagdeklara ng state of calamity sa buong Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic. Nakatakda naman itong mapasok sa Setyembre 22, 2022.

Bunsod nito, inirekomenda ng Department of Health (DOH) na palawigin muli ang pagpapatupad ng state of calamity sa buong bansa.

Hindi naman sumang-ayon dito si Dr. Anthony “Tony” Leachon na isang health reform expert.

Sinabi ni Leachon, sa isang panayam sa DZRH noong Sabado, Setyembre 3, na bagama’t maaari maging kapaki-pakinabang sa bansa ang pagpapalawig ng national state of health emergency, binigyang-diin ng eksperto na ang plano ay hindi magiging matagumpay gaya ng ninanais dahil sa “very anemic” inoculation drives sa Pilipinas.

“Ang state of calamity ay magbibigay lang ng bad connotation to investors na tayo ay delikado pa. Walang pupunta sa ating mga investors,” ani Leachon.

Para sa health expert, may iba pang paraan para palakasin ang “wall of immunity” ng bansa laban sa sakit maliban sa pagpataw ng state of calamity.

Isa na rito ang pagbabago sa kahulugan ng ‘fully vaccinated’ kung saan dapat isama ang booster shot. Isa pa sa inirekomenda ni Leachon ang paggamit ng mga antiviral na gamot tulad ng Molnupiravir at Paxlovid.

“Huwag na nating i-extend ang state of calamity. Matumal ang pag-accept ng tao sa booster. [Sa halip], ang bilhin natin ay mga antiviral drugs na Molnupiravir at Paxlovid at learn to live with the virus na tayo pero huwag muna natin tanggalin ang face mask. RNT