PH health workers na may COVID-19 umabot na sa 14,776

PH health workers na may COVID-19 umabot na sa 14,776

February 24, 2021 @ 7:47 AM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines –  Umabot na sa 14,776 ang kabuuang bilang ng health workers sa bansa na nahawa sa COVID-19, ayon sa Department of Health.

Sa nasabing bilang, tanging 143 na lamang ang aktibong kaso o yaong mga kasalukuyang ginagamot pa habang 82 rito ang nasawi.

Sa aktibong kaso, 77 dito ang may mild symptoms, 46 ang asymptomatic, 10 ang nakararanas ng severe symptoms, 8 ay nasa critical condition at 2 ang may moderate symptoms tulad ng non-severe pneumonia.

Sa inilabas din na report ng DOH, napag-alaman na 5,280 sa mga nahawa ang mula sa hanay ng mga nars, sinundan ito ng physicians sa 2,361 kaso, at nursing assistants sa 1,113.

Kabilang din sa mga nahawa ang medical technologists (753), administrative staff sa hospitals (603), midwives (529), at barangay health workers (396).

33 ang nasawi sa hanay ng physicians habang 21 sa mga nars. RNT


  •  
  •  
  •