Ph history ituturo pa rin sa K to 12 curriculum – DepEd

Ph history ituturo pa rin sa K to 12 curriculum – DepEd

January 12, 2022 @ 3:24 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Education (DepEd) na itinuturo pa rin ang Philippine history sa K to 12 curriculum ng basic education.

Hindi anila hahayaan na maipagkait sa mga mag-aaral na madiskubre ang yaman ng ating bansa.

Ito ang pahayag ng DepEd tungkol sa kumakalat na balita na tinanggal na ang kasaysayan ng Pilipinas sa curriculum.

 “The stories of inspiring Filipino people and monumental Philippine events will continue to be ingrained in our books and during our classroom and blended learning discussions for years to come,” lahad ng DepEd.

Nanawagan din ang pamunuan sa stakeholders na maging responsible at mapanuri sa pagpapakalat ng balita lalo pa ngayon.

Paliwanag ng DepEd, ang bagong bersyon ng Araling Panlipunan (AP) sa K to 12 Curriculum ay inisyu noon pang May 2013 pagkasabatas ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education Act of 2013.

“This was before the assumption to office of the present Secretary of Education in July 2016.” RNT/FGDC