PH host ng dalawang FIVB events

PH host ng dalawang FIVB events

April 6, 2022 @ 8:33 AM 3 months ago


MANILA – Sumulong na ang preparasyon para sa hosting ng Pilipinas sa dalawang world-class na torneo sa kung saan sinimulan na ni International Volleyball Federation (FIVB) event manager Thanathorn “Tom” Suwannamai ang inspeksyon ng mga venue at pasilidad para sa event.

Nakatakdang i-host ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang Week  2 ng women’s preliminaries ng Volleyball Nations League mula Hunyo 14 hanggang 19 at Week 2 ng men’s pool matches mula Hunyo 21 hanggang 26.

Ang dalawang torneo ay lalaruin sa Smart Araneta Coliseum. Magsisimulang ibenta ang mga tiket sa Abril 17.

Inasistehan ng mga opisyal ng PNVF si Thanathorn sa kanyang inspeksyon sa Big Dome noong Martes. Ininspeksyon din niya ang mga training venue ng Filoil Flying V Center sa San Juan at Meralco Gym sa Pasig City.

“This is perfect. This is good. This is one of the better ones,” ani Thanathorn habang tinitignan ang loob Araneta Coliseum kasama si PNVF secretary-general Don Caringal at mga miyembro ng local organizing committee.

Alam ni Thanathorn ang napakalaking fan base na mayroon ang volleyball sa bansa at inaasahan ang dalawang paligsahan.

“I heard good things about Philippine volleyball fans and I’m so excited,” banat ng Thai official.

Makikipagpulong si Thanathorn sa mga opisyal ng PNVF sa Crowne Plaza at manonood ng Game 1 ng Premier Volleyball League Open Conference finals sa pagitan ng Creamline at PetroGazz sa Mall of Asia Arena.

Si Thanathorn ay lilipad pabalik sa FIVB headquarters sa Lausanne sa Huwebes.JC