PH host ng FIBA World Cup qualifiers sa Pebrero 

PH host ng FIBA World Cup qualifiers sa Pebrero 

October 14, 2021 @ 7:47 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Napili ang Pilipinas na mag-host ng first at second window ng 2023 FIBA World Cup Qualifiers Group A sa February 2022.

Sa inilabas na statement, inanunsiyo ng FIBA na inalis pansamantala hanggat may pandemic ang home-and-away format sa  Groups A at B at gagamitin muna ang bubble formal para sa torneo.

Magsisilbing host ang Pilipinas sa Group A, kung saan makahaharap ng bansa ang mortal nitong kalaban sa basketball na South Korea ng dalawang beses habang tig-isang laro naman kontra sa New Zealand at India sa February.

Sa kabuuan, magiging punong abala ang Pilipinas saw along games sa Group A.

“With the ongoing coronavirus pandemic still raging on in some parts of Asia, the International Basketball Federation has decided to retain bubble setups for a couple of groups in the 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers,” ani ng FIBA.

Hindi na bago ang pagdaraos ng bubble format para sa Pilipinas dahil nagsilbi ring host ang bansa sa final window ng  2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Pampanga noong June.

Ikinatuwa naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio ang pagkakapili ng bansa bilang host ng FIBA World Cup qualifiers.

“FIBA gave the SBP a commendation for the way we hosted the ACQ window and this led to their decision to take us up on our offer to host again this coming February,” ani Panlilio.

“We’ll be hosting four teams in total, down from the seven the last time, so we’re confident that we could not only repeat what we accomplished but improve on it.”JC


  •  
  •  
  •