PH host ng preliminary leg ng VNL men’s tournament sa 2023

PH host ng preliminary leg ng VNL men’s tournament sa 2023

November 14, 2022 @ 7:38 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling magiging host ang Pilipinas sa isa sa mga preliminary event ng Volleyball Nations League men’s tournament sa susunod na taon.

Inihayag ng liga noong Biyernes na ang Pasay City ang magiging venue para sa ilan sa mga laro sa Hulyo 4-9.

Makakalaban ng Pilipinas sa Philippine leg ng torneo  ang Japan, China, Slovenia, Brazil, Poland, Italy, Netherlands, at Canada.

Noong nakaraang Hunyo, ang Araneta Coliseum sa Quezon City ay nag-host ng mga laro para sa parehong men’s at women’s tournament sa Philippine leg ng VNL.

Bukod sa Pasay City, ang iba pang host city para sa men’s tournament ay ang Ottawa, Canada; Nagoya, Japan; Rotterdam, Netherlands; Orleans, France; at Anaheim sa California, USA.

Gaganpin ang VNL finals sa Hulyo 12-16 para sa women’s event at Hulyo 19-23 para sa men’s competition. Ang host city para sa finals ay iaanunsyo sa Disyembre.

Nasungkit ng Team Italy ang kampeonato ngayong taon sa women’s division, habang nakuha naman ng France ang korona sa men’s series.JC