PH humanitarian team sa Turkey uuwi na – OCD

PH humanitarian team sa Turkey uuwi na – OCD

February 26, 2023 @ 12:20 PM 4 weeks ago


TURKEY – Uuwi na sa bansa ang lahat ng 82 miyembro ng Philippine inter-agency humanitarian contingent na ipinadala sa Turkey upang tumulong sa rescue efforts ng nasabing bansa kasunod ng Magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa nasabing bansa at Syria noong Pebrero 6.

Ayon sa Office of Civil Defense, inaasahang uuwi na sa bansa ang mga ito sa Marso 1.

Sa ulat nitong Sabado, Pebrero 25, nakapagsagawa ng search and rescue operation sa 36 na mga napinsalang gusali ang Philippine delegation.

Nakakuha rin ang mga ito ng anim na bangkay at nakagamot ng mahigit 938 na mga pasyente sa Turkey sa pamamagitan ng Philippine Emergency Medical Assistance Team. RNT/JGC