PH inflation humupa sa 6.3% ngayong Agosto

PH inflation humupa sa 6.3% ngayong Agosto

September 6, 2022 @ 1:13 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Humupa ang inflation sa unang pagkakataon sa loob ng anim na buwan sa 6.3 porsyento nitong Agosto mula sa 6.4 porsyento noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na ang bahagyang pagbaba ay dahil sa mas mabagal na pagtataas sa transport fares at sa mga presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, partikular na ang gulay, karne at isda.

Sa loob ng limang buwan ay walang hinto ang pagtaas ng inflation mula sa 3 porsyento noong Pebrero. Batay sa datos, pumalo ang eight-month average (Enero hanggang Agosto) sa 4.9 porsyento, na malayo sa target ng pamahalaan na 2 porsyento hanggang 4 porsyento para sa buong taon.

Ang resulta naman ngayong Agosto ay pasok sa midpoint ng inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa buwan, kung saan tinataya ng mga regulator na sasampa ito sa 5.9 porsyento hanggang 6.7 porsyento. RNT/SA