PH inflation mas mabilis na lolobo-ADB

PH inflation mas mabilis na lolobo-ADB

September 22, 2022 @ 7:12 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – “Prices of basic goods in the Philippines could rise at faster paces until next year as supply-related concerns persist.”

Ito ang nakasaad sa pinakabagong report ng Asian Development Bank (ADB).

Sa kanilang Asian Development Outlook (ADO) 2022 update, sinabi ng ADB na tumaas ang kabilang inflation forecast para sa bansa ng 5.3% ngayong taon. Ito ay mula sa 4.9% noong July.

“Inflation is expected to remain elevated over the rest of the year due primarily to supply-side factors, including elevated global commodity prices,” ang naka-post sa website ng ADB.

“Bad weather has constrained the domestic supply of some agriculture commodities, and petitions for additional transport fare increases have been submitted by transport groups to the government,” ayon pa rin sa ADB.

Umaasa naman ang mga regional lender na “Philippine inflation to ease to 4.3% in 2023, steady from its July report.”

Tinukoy ang maaaring pagbaba sa global oil at non-oil costs at cumulative policy rate adjustment.

Nangangahulugan lamang na ang forecasts ng ADB hanggang 2023 ay kapuwa “above the 2-4% target band of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).”

Para naman sa BSP, umaasa ito na papalo ang inflation sa 5.4% sa 2022 at 4% sa susunod na taon.

“As of August,” mayroon itong averaged na 4.3%.

Samantala, pinananatili naman ng ADB ang growth forecasts nito sa 6.5% para ngayong taon at 6.3% para sa taong 2023 gaya ng nakasaad sa kanilang July publication. Kris Jose