PH inflation, posibleng mag-peak ngayong Disyembre – BSP governor

PH inflation, posibleng mag-peak ngayong Disyembre – BSP governor

December 20, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Posibleng maabot ang peak ng Philippine inflation ngayong Disyembre, ayon kay central bank Governor Felipe Medalla nitong Martes, matapos sumampa sa 14-year high noong Nobyembre.

Nagdulot ang annual inflation na 8 posyento ng year-to-date rate na 5.6 posyento, malayo sa 2 posyento  hanggang 4 posyentong target ng central bank para sa kasalukuyang taon.

Nauna nang nirebisa ng Development Budget Coordination Committee ang inflation projection nito para sa 2022 sa 5.8 posyento mula sa previous assumption na 4.5 hanggang 5.5 posyento sa pananatiling mataas na presyo ng pagkain at transportasyon. RNT/SA