PH inflation rate sumirit sa 6.9%

PH inflation rate sumirit sa 6.9%

October 5, 2022 @ 9:31 AM 6 months ago


MANILA, Philippines – Bumilis ang naitalang inflation o pagtaas ng presyo ng pangunahing produkto at serbisyo sa 6.9% noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkoles, Oktubre 5.

Ito ay mula sa 6.3% inflation rate na naitala naman noong Agosto.

Ang mga gastos sa pagkain at enerhiya ay pangunahing nagtutulak sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin, dagdag pa ng PSA.

Ang inflation para sa pagkain at non-alcoholic beverages ay tumaas din sa 7.4 percent.

Ang kamakailang rate ay mas mabilis kaysa sa 4.2% print na naka-log sa parehong buwan noong nakaraang taon at nasa loob ng 6.6-7.4% range na nakita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa Setyembre.

Ang year-to-date na inflation ngayon ay nasa 5.1%, mas mataas pa rin sa 2-4% target band ng central bank para sa 2022.

Sinabi ng BSP na ang pagtaas ng singil sa kuryente at presyo ng mga pangunahing pagkain, kasama ang mahinang performance ng piso, ay maaaring nagdulot ng inflation noong Setyembre