PH international arrivals lampas na sa 300K

PH international arrivals lampas na sa 300K

April 26, 2022 @ 2:32 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Lampas na sa 300,000-mark ang bilang ng international arrivals sa Pilipinas mula nang nuling buksan ang bansa ang  sa fully vaccinated tourists noong Pebrero  10,  ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat nitong Martes.

“From February 10 to April 25, na-surpass na natin ‘yung 300,000-mark. We received about 313,050 international arrivals,” pahayag ni Romulo-Puyat sa Laging Handa public briefing.

Subalit ayon kay Romulo-Puyat, malayo pa ito sa 8 milyong pre-pandemic international tourist arrivals na naitala noong 2019.

“Sa pre-pandemic levels naman with regard to international tourist arrivals, medyo malayo pa kasi nung 2019, we received about 8.26 million tourists. Pero masaya tayo kasi at least, we already received 313,050 international arrivals,” pahayag niya.

Ayonsa tourism chief, karamihan sa  international travelers ay mula sa United States, Canada, at Korea.

Nagpaalala naman si Romulo-Puyat sa mga biyahero na sumunod sa health protocols habang nasa biyahe.

“’Yun na nga syempre paalala pa rin, masaya tayo na we are slowly getting back to normal pero paalala rin that we still really have to follow minimum health and safety protocols,” payo niya. RNT/SA