PH internet speeds bumilis noong Disyembre – Ookla Speedtest

PH internet speeds bumilis noong Disyembre – Ookla Speedtest

January 5, 2023 @ 3:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Bumuti ang internet speeds sa Pilipinas sa huling buwan ng 2022, ayon sa pinakabagong datos na ipinalabas ng global speed monitoring firm Speedtest by Ookla.

Batay sa pinakabagong Ookla Speedtest Global Index report, tumaas ang mobile download at fixed broadband speeds para sa bansa noong December.

Tumaas ang mobile median download ng bansa sa average na 25.12 megabits per second (Mbps) mula sa 24.04Mbps noong Nobyembre.

Ito ay 4.49% month-on-month improvement para sa mobile internet speed.

Kumakatawan din ito sa 17.33% improvement mula nang pumasok ang Marcos administration noong July 2022.

Samantala, bumilis ang December fixed broadband median download speed level sa 87.13Mbps mula sa 81.42Mbps na naitala noong Nobyembre.

Kumakatawan ang pinakabagong fixed broadband download speed sa 7.01% month-to-month at 26.39% mula July 2022 —sa pagsisimula ng bagong administrasyon.

Ikinatuwa naman ng National Telecommunications Commission (NTC) wang pagbilis ng Philippine internet speeds.

“The continued improvement in internet speed is a welcome development as President Ferdinand E. Marcos, Jr. encourages the country to embrace digitalization if it wants to survive and thrive in a post-pandemic economy,” ani NTC officer-in-charge Commissioner Ella Blanca Lopez. RNT/SA