PH internet users top 1 na naka-follow sa social media influencers – global report

PH internet users top 1 na naka-follow sa social media influencers – global report

February 7, 2023 @ 5:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanguna ang Pilipinas sa porsyento ng The social media users edad 16 hanggang 64 taon na nagpa-follow sa influencers, batay sa global result.

Ayon sa 2023 Global Digital Report by Meltwater and We Are Social, 46% ng Filipino social media users edad 16 hanggang 64 ang nagsabing pina-follow nila ang influencers at iba pang social media experts.

Sinundan ang Pilipinas ng  Nigeria (45.4%), Brazil (41.7%), Kenya (35.2%), South Africa (34.6%), Indonesia (34.4%), Saudi Arabia (30.1%), Colombia (29.6%), Mexico (28.2%) at Malaysia (28.1%).

Nasa huli naman ng listahan ang Russia (6.3%), Turkey (11.7%), Japan (12.8%), Greece (14.0%) at China (14.5%).

Sinabi sa ulat na sa social media users edad 16 hanggang 24 taon, 30.6% ang babae at 24.3 ang lalaki. Para sa edad 25-34, 27.3% ang babae at 22.8% ang lalaki. Para sa edad 35-44, 22.9% ang babae at 20.4% ang lalaki. Para sa edad 45-54, 17.9% ang babae at 16.3% lalaki. Pinakahuli, para sa edad 55-64, 11.4% ang babae at 11.6% ang lalaki.

Nanguna rin ang bansa sa porsyento ng internet users nanonood ng vlogs kada linggo, maging sa ratio ng internet users na naglalaro ng video games, batay sa parehong ulat. RNT/SA