PH kampeon sa  World Teams 10-ball championship

PH kampeon sa  World Teams 10-ball championship

September 12, 2022 @ 3:05 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling ipinakita ng mga Filipino cue artist ang kanilang lakas sa pandaigdigang entablado, nang sungkitin ang tagumpay sa 2022 Predator World Teams 10-Ball Championship sa Klagenfurt, Austria.

Ibinulsa ng trio nina Rubilen Amit, Carlo Biado at Johann Chua  ang kampeonato nang walisin ang Great Britain sa final.

Bukod sa gintong medalya,  mag-uuwi rin ang mga Pinoy ng malaking bahagi ng  kabuuang premyong 40,000-euro.

Binubuo ang Great Britain nina Kelly Fisher, Jayson Shaw, at Darren Appleton.

Ginawa ni Amit ang 1-0 sa Pilipinas matapos ang 4-3 tagumpay laban kay Fisher sa women’s singles, at tinalo ni Biado si Shaw sa parehong scoreline sa men’s singles para sa 2-0 lead.

Pagkatapos ay nagtulong sina Amit at Chua para sa 4-1 demolition nina Fisher at Appleton sa mixed doubles para ilagay ang finishing touches sa walang talo na run ng Pilipinas sa torneo.

Matamis na pagtubos para kina Biado at Amit, na bahagi ng silver-medal winning team noong 2014, nang matalo sila sa China sa final.

“It feels amazing to be champion. We’re, we’re very, very happy, and very and relieved. Finally, wala nang laban, we can rest and just enjoy it and enjoy Austria and Klagenfurt!” sabi ni Amit. “Last time, we placed second, and now, we are finally the champions. I am very happy that I have Johann and Carlo as my teammates because they are awesome, they are very good players.”

“Finally we made it. My job was to win in this event and with my team, and I want to thank them because we all played well. We have to celebrate now,” ani Biado.

Sa daan patungo sa finals, tinalo ng Team Philippines ang Poland, 3-1, sa quarterfinals, pagkatapos ay dinaig ang Germany, 3-2, sa isang shootout sa semis.JC