PH kinikilalang ESports capital ng mundo – Gutierrez

PH kinikilalang ESports capital ng mundo – Gutierrez

August 18, 2022 @ 3:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Opisyal nang kinikilaa bilang sentro ng Electronic and Digital Sports (ESports) ang Pilipinas sa mundo.

Ibinida ni Arniel Gutierrez ang magandang balita matapos ang opisyal na pagkakatatag ng ESports World Federation (ESWF) – ang kinikilalang amateur governing ESports body sa mundo – na nakabase sa Pilipinas.

“The Philippines is now the Mecca of ESports. Officially, tayo na ang Esports capital in the world,” pahayag ni Gutierrez sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS ) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.

“Kung yung International Olympic Committee (IOC) ang siyang governing body sa lahat ng traditional sports at organizers ng SEA Games, Asian Games at Olympics, ang ESWF ang siyang sentrong sports body para sa ESports. After years of planning and study and support of all Esports International Federation, particularly the China-based General Association of Asia Pacific Sports Federations (GAAPSF) whose president is now the vice president of IOC, naisakatuparan natin ang matagal ko nang pangarap,” sambit ni Gutierrez sa lingguhang sports forum na itnataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Pagcor at Behrouz Restaurant.

Ayon kay Gutierrez, may apat na Continental Federation na nakaangkla sa ESWF – ang Amateur Europe Esports Federation na pinamumunuan ni Valery Kolganov ng Israel;  Organization of African Electronic Sports sa pamngunguna ni Igor Boumekpo ng Ghana; Pan-American Esports sa pamumuno ni Christopher Byrne ng Canada; at Asia-Pacific Electronic Sports Confederation sa pamumuno ni Santanu Basu.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism (DOT) kung saan bahagi rin si Gutierrez ng Sports Tourism Group, opisyal na ilulunsad ang ESWF sa gaganaping Tourism Sports ESports Business sa November 25-28 sa SMX Clark sa Pampanga.

“Ito bale ang kickoff program ng ESWF, magsasagawa taio ng conference and seminars. May exhibits dahil part ito ng digitalization project ng DOT. May gagawin din tayong tournament sa Battle Royal PUBG na lalahukan ng mahigit 100 teams ng mga member organization natin. May online qualifying tayong gagawin before the main event,” sambit ni Gutierrez.

Para higit na mapabilis ang pagpapalaganap ng mga impormasyon hingil sa Esports, nakipagtambalan din si Gutierrez sa Pinoy Ako (PKO) digital apps na nakatakdang ilunsad sa Oktubre 16.

“Right now nasa testing na tayo, but before the grand launching sa Oktober puwede n rin ninyong masilip ang PKO apps but September 16,” sambit ni PKo multi-digital content creator Neil Talavera.

Ayon kay Talavera, naglaan sila ng isang channel para sa Esports upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng Esports enthusiasts na masubaybayan ang kanilang hilig maging sa local at international activities.

“We all know that everyone of us spent more time in mobile phone that watching television. With this PKO apps, anytime and anywhere puwede mong subaybayan yung lahat ng gusto mo dahil hindi lang naman ESports ang nakapaloob din but all sports, may movies din at show,” sambit ni Talavera.

Iginiit naman ni Gutierrez na para mas mabigyan ng edukasyona ng mga kabataan hingil sa ESports, itinatag din niya ang ESports Academy of Asia Pacific na matatagpuan sa Dasmarinas, Cavite. Kabilang sa kursong makukuha rito ang ESports Coaching, Graphic Arts, Cyberscurity, Computer technology at BS Sports, AB Psychology Major in ESports Pschology.RICO NAVARRO