PH local tourism, tumaas ng 38% noong 2021

PH local tourism, tumaas ng 38% noong 2021

June 29, 2022 @ 5:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakabawi ang lokal na turismo ng bansa noong 2021 kasabay ng pagtaas ng demand para sa domestic travel sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Base sa 2021 Philippine Tourism Satellite Accounts (PTSA), nakapagtala ang bansa ng kabuuang 37,279,282 domestic trips na 38.16% na mas mataas kumpara sa 26,982,233 na naitala noong 2020.

Tumaas din ang nagkatrabaho sa sector ng turismo na umabot sa 4.9 million noong 2021 na 4.6% na mas mataas sa 4.7 million noong 2020, na ayon pa sa DOT ay 11.1% ng kabuuang employment rate sa bansa.

Sinasabing dahilan ng DOT sa paglago ng industriya ang pinagsamang pagsususmikap ng national at local government units na i-standardize ang health at safety protocols, at aktibong partisipasyon ng tourism stakeholdrrs mula sa mga pribadong sector.

“PTSA reports have been a critical tool in helping the DOT develop the tourism sector as a significant socio-economic activity, generate foreign exchange, employment, and information dissemination on the importance and benefit of the tourism sector for both private and public sectors,” ani DOT OIC Edwin Enrile.

“Armed with this data and information, the DOT can further improve and refine its current plans and programs, learn from its weaknesses, and pinpoint where our strengths and opportunities lie amidst the pandemic,” dagdag niya.

Sa kabilang dako, iniulat din ng DOT na bumaba ang ang mga bumibisitang dayuhan noong 2021 na bunsod naman ng pagsasara ng border ng bansa dahil sa COVID-19.

Mula Enero hanggang Disyembre noong nakaraang taon, kabuuang 163,879 foreign visitors lamang ang dumating sa Pilipinas na 88.95% na mas mababa mula sa 1,482,535 noong 2020.

Pinakamari sa mga bumisita sa bansa ay mga dayuhan mula sa Amerika na nasa 39,326 sinundan ng Japan, 15,024; China, 9,674; India, 7,202; Canada, 6,781; at Korea na may 6,456 arrivals. RNT/ JCM