PH magdo-donate ng 5M doses ng Sputnik V sa Myanmar

PH magdo-donate ng 5M doses ng Sputnik V sa Myanmar

April 22, 2022 @ 7:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines — Limang milyong doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine na nakatakdang mapaso ang ido-donate ng Pilipinas sa Myanmar, ayon sa Department of Health

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagpapatuloy ang pagtalakay hinggil dito ng Pilipinas sa mga awtoridad sa Myanmar.

“We have to go through a lot of processes but definitely ito pong sa Myanmar ay ongoing na talaga ng discussion. Ang ini-intend po na idonate sa Myanmar ‘yung mga Sputnik V components 1 and 2 and these will be worth around 5 million doses of vaccines,” ani Vergeire.

Habang hindi pa nagsisimula ang pag-uusap ng Pilipinas sa gobyerno ng Papua New Guinea na isa rin sa target na mabigyan ng mga bakuna.

Una nang sinabi ng Malacanang na itutuloy nito ang planong i-donate sa ibang bansa ang mga sobrang bakuna na malapit nang ma-expire.

Sabi naman ni acting presidential spokesperson Martin Andanar, nagpapatuloy na ang “legal documentation processes para sa delivery mga donasyong bakuna sa Myanmar. RNT/ JCM