PH magpapadala ng palabang team sa SEA Games – PSC

PH magpapadala ng palabang team sa SEA Games – PSC

April 11, 2022 @ 12:48 PM 3 months ago


MANILA – Nangako ang Philippines Sports Commission at Philippine Olympic Committee na magpapadala sila ng malalakas at palabang team sa Vietnam  sa napipintong pagdepensa ng bansa sa  31st Southeast Asian Games sa Hanoi sa Mayo.

Kumpiyansa rin si PSC Chairman William “Butch” Ramirez na ibibigay ng mga atleta ang lahat ng kanilang makakaya sa kanilang pakikipagsagupa sa malalakas ng koponan ng mga bansa sa Southeast Asia.

Ayon naman sa POC, siniguro nila ang ginawang pagpili ng mga atleta ay maayos at lahat ng napili ay palaban at may tsansang makakakuha ng gold medal para sa bansa.

“Lalaban ang ating mga atleta at gagawin ang lahat para maibalik sa bansa ang kabuuang kampeonato,” ayon sa POC.

Nakikipagpulong ang POC ngayon sa Cambodia, kasama ang SEA Games council sa ikalawang pagkakataon ngayong taon,  upang talakayin ang Hanoi SEA Games at ang 2023 na edisyon ng kaganapan sa Cambodia.

Ayon sa Vietnam, bilang host ay maglalagay sila ng pinakamaraming bilang ng mga atleta sa 965 — 534 lalaki at 431 babae.

Target uman ng Vietnam na manalo ng 140 golds, 77 silvers, at 71 bronze medals.

Nagprograma ang 40 sports na may 526 na event ang Vietmam,  limang mas mababa kaysa sa ginanap sa Pilipinas noong 2019.

Ayon sa POC, kumpiyansa silang magdedeliver ang mga Filipino athletes dahil karamihan sa 656-strong Team Philippines ay nakakuha ng mga medalya noong 2019 nang maghari ang bansa sa 149-117-121 gold-silver-bronze haul.

Matatandaan na ang Vietnam na nalagay sa 2nd place noong 2019 at humakot naman ng kabuuang 98-85-105 tally  kung saan nangako itong dodominahin ang gaganping SEA Games sa kanilang bansa sa Mayo.

Ayon sa PSC inaaasahan nilang ilalabas na ng POC ang bubuo sa Team Philippines.

Noong 2019, naglagay ang Pilipinas ng 1,115 na atleta, isang pribilehiyo para sa pagiging host, kung saan ipinadala ng Thailand ang pangalawang pinakamalaking delegasyon na may 980, sinundan ng Vietnam na may 856 at Indonesia na may 837.

Inaasahang tutulak ang Team Philippines pa Vietnam sa sa Mayo 10.Rico Navarro