PH mahihirapang idepensa ang titulo sa Hanoi

PH mahihirapang idepensa ang titulo sa Hanoi

January 26, 2022 @ 2:23 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inamin ng Philippine Olympic Committee (POC) na daraan sa butas ng karayom ang Pilipinas sa gagawin nitong pagdepensa ng kanilang titulo sa Southeast Asian Games bilang overall champions.

Ayon sa POC maraming mga problema ang kinakaharap ng bansa lalo na ang pagdaan ng COVID-19 pandemic.

Naging hadlang umano ang pandemya sa pagsasanay ng mga atleta.

Ayon sa POC ilang training facilities ang ginawa ng gobyerno bilang quarantine facilities kaya nawalan ng lugar ang mga atleta upang makapag-ensayo.

Noong 2019 30th SEA Games humakot ang bansa ng kabuuang 387 medalya.

Kumpiyansa pa rin ang POC na makikipag sabayan ang atleta ng bansa sa nasabing torneo na gaganapin sa Mayo 12 sa Hanoi, Vietnam.Rico Navarro