PH manufacturing lumago ngayong buwan

PH manufacturing lumago ngayong buwan

October 3, 2022 @ 3:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumago ang sektor ng manufacturing sa bansa sa nakalipas na walong buwan at nakamit nito ang pinakamataas sa loob ng tatlong buwan, ngayong Setyembre.

Ito ay ayon sa pinakahuling survey ng S&P Global Market Intelligence kung saan ang Philippines Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) ay lumago sa 52.9 ngayong buwan mula sa 51.2 nitong Agosto.

Pinakamabilis rin ito sa nakalipas na tatlong buwan o mula Hunyo 2022 sa average PMI nitong 51.8.

“Firms noted that an increase in customer demand allowed production levels and factory orders to grow for the first time since June,” ani S&P global economist Maryam Baluch.

“Adding to the good news, inflationary pressures, which have been uncomfortably high in the past couple of months, moderated in the latest survey period, hinting that inflation may have peaked,” dagdag pa niya.

Naitala rin ang mas mabagal na inflation nitong Agosto sa 6.3% mula sa 6.4% na naitala sa nagdaang buwan.

Ilalabas naman sa Miyerkules, Oktubre 5 ang datos para sa buwan ng Setyembre. RNT/JGC