PH may 3 golds na sa ASEAN Para Games

PH may 3 golds na sa ASEAN Para Games

August 1, 2022 @ 2:05 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nag-iinit na ang mga atleta sa pagsabak sa 11th ASEAN Para Game kung saan tatlong gintong medalya na ang kanilang nasusunkit sa bakbakang ginaganap sa Indonesia.

Sinabi ng Philippine Sports Commission, unang nakakuha ng gintong medalya si Ernie Gawilan magtapos manalasa sa men’s 400 meter freestyle S7.

Nanalo rin ng ginto si Roland Sabido sa men’s 400 meter freestyle S9 event.

Nasungkit din ni Cendy Asuseno ang ginto sa Women’s Javelin throw F54 event.

Inangkin naman ni Arnel Aba ang pilak sa men’s 400 meter freestyle S9 event.

Samantala, inihayag din ng PSC na sina Daniel Esteres, Jr. (para athletics men’s 5000m T20), Edwin Villanueva (men’s 400m freestyle), at Smith Billy Cartera, Racleo Martinez at Darwin Salvacion (men’s table tennis TT4) ay nakakuha ng bronze medals sa para sa mga laro.

Noong Linggo, nagkaroon ng unang medalya ang Pilipinas sa Para Games: isang pilak mula sa men’s 3×3 wheelchair basketball.RICO NAVARRO