Outgoing NEDA chief muling nanawagan sa ‘full resumption’ ng F2F classes

June 27, 2022 @4:30 PM
Views:
3
MANILA, Philippines- Muling inulit ni Outgoing Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang panawagan na “fully resume” ang face-to-face classes.
Nagpahayag ng kumpiyansa si Chua na maipatutupad ito ng incoming administration.
Sa virtual briefing, sinabi ni Chua na ang education sector ay “significantly lagged behind”, pagdating sa full resumption ng face-to-face classes na hindi pa naipatutupad.
“As you know, the NEDA mandate covers development and for us, education is a foundation of development, so I hope this will be taken very seriously,” ayon kay Chua sa kanyang last briefing bilang hepe ng National Economic and Development Authority (NEDA).
“The repercussions on children’s present and future development are very much affected by the ability to learn better,” pagpapatuloy nito.
Nitong Marso, sinabi ni Chua na ang nationwide face-to-face learning ay makadaragdag ng P12 bilyong piso kada linggo sa ekonomiya, ang ekonomiya kasi ay nawalan ng P22 trilyong piso sa nakalipas na dalawang taon matapos na ihinto ang face-to-face learning sa bansa.
Samantala, nakatakda namang i- turn over ni Chua ang kanyang tungkulin bilang NEDA chief sa kasalukuyang Philippine Competition Commission na si Chairperson Arsenio Balisacan — na namumuno sa ahensiya sa ilalim ng administrasyon ng namayapa at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III — araw ng Biyernes, Hulyo 1.
Sinabi ni Chua na tinalakay na niya ang kanyang panawagan para sa full resumption sa face-to-face classes kay outgoing Education Secretary Leonor Briones at outgoing Health Secretary Francisco Duque III.
“I have personally wrote Secretary Briones and Secretary Duque twice — in March and in May, and we have had many discussions in the IATF and through messages,” anito.
“These have been communicated and I hope it will be part of the transition message or notes of Secretary Briones to incoming Vice President and (Education) Secretary (Sara) Duterte,” dagdag na pahayag ni Chua.
Nakatakda namang mag-take over si VP Sara Department of Education, kasabay ng kanyang tungkulin bilang bise-presidente, at nag-commit na tingnan ang posibilidad na “fully resume” ang face-to-face classes.
Matapos ang i-turn over ang kanyang tungkulin, nakatakdang mag-aral ng isang taon si Chua. Hindi naman dinetalye ni Chua ang kanyang “future plans”.
“No offer (from the incoming administration), but I have already enrolled to study in a week’s time, full-time study to be relevant,” aniya pa rin. Kris Jose
Lalaki kalaboso sa pangmamanyak sa nagmo-module na menor

June 27, 2022 @4:24 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Kalaboso sa kulungan ang isang lalaki makaraang ireklamo ito ng panggagahasa diumano sa isang menor-de-edad sa Purok 3, Barangay San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija nitong Linggo.
Kinilala ni P/Lt. Col. Alexie A. Desamito, hepe ng Gapan City police station ang umanoy itinuturong suspek na si Berny Mahinang y Buen, 38, binata at
residente ng Brgy. Makabaklay, Gapan City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas-12:30 ng madaling araw nang mangyari ang nasabing reklamo laban sa suspek. Kasalukuyan umano na gumagawa ng module exams ang biktima mula sa biranda ng kanilang bahay ng biglang lapitan at kausapin ito ng suspek kasabay umano ng pananakot ng suspek sa biktima habang hinihila ito papunta sa kanilang banyo at doon ay isinagawa di-umano ng suspek ang panghahalay sa biktima.
Nang malaman ito ng kapatid ng biktima ay kaagad itong tumawag sa himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakasakote sa suspek.
Habang iniimbestigahan ng pulisya ang suspek ay nakitaan ito ng umanoy (2) maliit na pakete ng iligal na droga mula sa kaha ng sigarilyo na nakalagay sa sling bag ng suspek.
Pansamantala, ang suspek ay nasa kustodiya ng Gapan City police station habang kasong paglabag sa Republic Act 8353, Art 151 ng RPC at paglabag RA 9165 ang kakaharapin ng suspek. Elsa Navallo
LTFRB kinalampag ni Gatchalian sa agarang pamamahagi ng Pantawid Pasada

June 27, 2022 @4:15 PM
Views:
10
MANILA, Philippines- Kinalampag ni Senador Win Gatchalian ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na siguraduhin na mapapabilis na ang ang pamamahagi ng fuel subsidies sa mga target na benepisyaryo sa public transport sector.
Ang panawagang ito ni Gatchalian ay kaugnay sa kanyang planong pagsulong ng ikatlong yugto ng pagbibigay ayuda sa sektor ng pampublikong transportasyon na nalulugmok sa epekto ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
“Marami na ang tumitigil sa pamamasada at nawalan ng hanapbuhay ang maraming PUV drivers. Ang susi dito ay ang mabilis na pamimigay ng ayuda sa kanila,” sabi ng Senate Energy Committee Chairperson sa mga kinatawan ng LTFRB noong nakaraang consultative meeting sa Senado kung saan pinag-usapan ang mga posibleng hakbang para matugunan ang mataas na presyo ng langis.
Nais ni Gatchalian na ipamigay na ang ikatlong bahagi ng Pantawid Pasada Program na nagkakahalaga ng P3,000 kada buwan para sa susunod na limang buwan.
Ang unang yugto ng fuel subsidy para sa mga driver at operator ng public utility vehicles na dapat sana ay natapos nang ipamigay noong ikalawang linggo ng Mayo ay nabahiran pa ng pagkaantala dahil sa kakulangan ng database ng mga benepisyaryo.
Sa nasabing consultative meeting sa Senado, sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra kay Gatchalian na nakumpleto na nila ang database ng mga kwalipikado at lehitimong franchise holders nitong buwan lamang matapos isumite ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang listahan ng mga kwalipikadong tricycle driver.
Noong Hunyo 16, umabot na sa 88% o 232,586 ang kabuuang bilang ng mga naipamahaging subsidiya at ang natitirang 31,992 ay ipinangako ng Landbank na ire-remit sa mga account holders sa ikatlong linggo ng buwan.
Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangan ng pagkakaroon ng sistema ng pamamahagi ng ayuda upang magarantiya ang maagap at tamang paglilipat ng pera, pati na rin ang accessibility sa anumang pinansyal na tulong mula sa gobyerno.
Ang mga kwalipikadong PUV driver-beneficiaries ay tumatanggap ng kanilang ayuda sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Pasada cash card habang ang mga hindi cardholder ay binigyan ng cash card sa mga itinalagang sangay ng Landbank na tinukoy ng LTFRB. Ernie Reyes
FINA binanatan ni Olympic diving champion Tom Daley sa isyu ng transgender

June 27, 2022 @4:08 PM
Views:
6
MANILA, Phililippine – Sinabi ng Olympic diving champion na si Tom Daley na “galit na galit” siya sa desisyon ng governing body na FINA na paghigpitan ang paglahok ng mga transgender athlete sa mga elite women’s competition.
Si Daley, na lumabas bilang bakla noong 2013, ay nagsasalita sa British LGBT Awards noong Biyernes, Hunyo 24, kung saan siya ay pinangalanang Sports Personality of the Year matapos manalo ng ginto sa 10 meter synchronized platform diving event sa Tokyo Olympics.
Ang mga karapatan ng transgender ay naging pangunahing pinag-uusapan habang sinisikap ng sports na balansehin ang pagiging kasama habang tinitiyak na walang hindi patas na kalamangan.
“Nagalit ako,” sabi niya tungkol sa desisyon ng FINA, na nagbabawal sa mga atleta na dumaan sa anumang bahagi ng pagbibinata ng lalaki mula sa kumpetisyon ng mga piling babae.
Sinabi rin ng FINA na lilikha ito ng working group para magtatag ng kategoryang “bukas” para sa mga transgender na atleta bilang bahagi ng bagong patakaran nito, na sumasaklaw sa mga kaganapan sa swimming, diving, water polo, artistic swimming, high diving, at open water swimming.
“Alam mo, tulad ng karamihan sa mga tao, sinuman na sinabihan na hindi sila maaaring makipagkumpetensya o hindi maaaring gawin ang isang bagay na gusto nila dahil lamang sa kung sino sila, wala ito,” sinabi ng 28-taong-gulang sa iNews.
“Ito ay isang bagay na talagang malakas ang pakiramdam ko. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga trans na ibahagi ang kanilang panig.”
Ang World Athletics at FIFA ay kabilang sa ilang mga namamahala na katawan na nagsusuri ng kanilang mga alituntunin sa paglahok ng mga transgender na atleta kasunod ng desisyon ng FINA, na siyang pinakamahigpit ng anumang Olympic sports body.
Habang ang FINA ay nakipag-ugnayan sa mga nangungunang siyentipiko sa taskforce na gumawa ng mga panuntunan nito, ang mga tagapagtaguyod para sa transgender inclusion ay nangangatuwiran na hindi pa sapat ang mga pag-aaral na nagawa sa epekto ng paglipat sa pisikal na pagganap.
Ang dating Olympic medalist na si Sharron Davies, isang vocal campaigner para sa isang mas mahigpit na patakaran, ay nagsabi na ang FINA ay “naninindigan para sa patas na isport para sa mga babae.”
“Ang paglangoy ay palaging malugod na tatanggapin ang lahat kahit paano mo makilala ngunit ang pagiging patas ay ang pundasyon ng isport.”JC
P62M marijuana sa Benguet, Kalinga sinira

June 27, 2022 @4:00 PM
Views:
22