PH naghahanda na sa Cambodia SEA Game

PH naghahanda na sa Cambodia SEA Game

January 20, 2023 @ 7:32 PM 2 weeks ago


MANILA – Nagpulong ang Philippine Olympic Committee (POC) at ang Philippine Sports Commission (PSC) sa unang pagkakataon upang pag-usapan ang Cambodia Southeast Asian Games.

“Ito ay isang fellowship at working dinner meeting na higit na tutuklas sa pagsasanay ng mga atleta sa SEA Games,” ani ng POC.

Napag-usapan din ang tungkol sa mga kagamitan na ibibigay sa mga national sports association at maging sa mga local government units, ayon sa ulat.

Sinabi ng POC na ang huli na pagdating ng technical handbooks (THBs) sa 49 sports na itinampok sa Cambodia SEA Games ay nakakahadlang sa paghahanda.

Binanggit din ng POC ang tungkol sa mga rebisyon sa bilang ng mga lahok sa delegasyon ng Pilipinas. Itinakda ng Cambodia SEA Games organizers ang deadline sa Enero 14.

Nakiisa si PSC Chairman Richard “Dickie” Bachmann, kasama sina commissioners Walter Torres at Olivia “Bong” Coo, sa ginanap na hapunan sa Barsino ng Maison Mall sa Conrad Hotel sa Pasay City.

Kasama sa hapunan sina POC auditor at Team Philippines chef de mission sa Cambodia Chito Loyzaga, chairman Steve Hontiveros, secretary-general Atty. Edwin Gastanes, treasurer Cynthia Carrion-Norton at Athletes Commission head Nikko Huelgas.

Nauna nang sinabi ni Loyzaga na magpapadala ang Pilipinas ng 1,200 delegado, kabilang ang 800 atleta, sa Cambodia SEA Games na nakatakda sa Mayo 5-17 ngayong taon.

Sina Loyzaga at mga deputy chef de mission na si Paolo Tancontian, presidente ng sambo association, at Leonora Escollante, canoe-kayak head coach at international technical official, ay dadalo sa unang Chef de Mission Meeting sa Ene. 24-25 sa Phnom Penh, pangunahing hub ng SEA Games.

Naglaan ang PSC ng PHP250 milyon na badyet para sa paglahok ng bansa sa biennial regional sports meet.

Ihohost ng Cambodia ang torneo sa unang pagkakataon ay nagtatampok ng 608 na kaganapan sa 49 na palakasan.

Ang 2019 Manila edition ay mayroong 530 events sa 56 sports habang 526 events sa 40 sports ang na-program sa Vietnam Games noong nakaraang taon.RCN