PH nakasungkit ng 52 gold; napahiya sa basketball

PH nakasungkit ng 52 gold; napahiya sa basketball

May 23, 2022 @ 10:57 AM 1 month ago


HANOI – Nagtapos ang Pilipinas sa ikaapat ng pwesto matapos makalikom ng 52 gintong medalya sa pagtatapos ng mga kompetisyon noong Linggo sa Southeast Asian Games pero, natalo ang pinakamahalang medalya para sa bansa.

Nakatipon ang Philippine contingent ng limang gintong medalya sa huling araw ng aksyon, sapat na upang pigilan ang Singapore para sa ikaapat na puwesto sa likod ng host Vietnam (205 gold medals), Thailand (90) at Indonesia (68) sa isang multi-event showpiece na ipinagpaliban mula sa noong nakaraang taon dahil sa pandaigdigang pandemya ng COVID-19.

Ang mga boksingero na sina Eumir Marcial, Rogen Ladon, at Ian Clark Bautista ang nagsilbing pansalba sa huling sigwada ng labanan pra sa mga gintong medalya na nagbigay-daan sa Team PH para makahulagpos sa Singapore na humahabol sa 4th place.

Subalit, masakit pa rin para sa Pilipinas ang 31st edisyon ng SEA Games dahil natanggaalan ng korona ang Pilipinas sa larangan ng men’s basketball nang talunin sila ng Indonesia, 85-81.

Dahil sa pagkatalo, natuldukan na ang 33 taon na paghahari ng Pilipinas sa SEA Games basketball.

Naiwasan ng Gilas Women ang maaaring maging isang mapaminsalang gold-medal shutout sa basketball sa kabila ng pagkatalo nito sa huling assignment sa Malaysia, 96-93, habang si Philip Delarmino ang nagtala ng ikalimang ginto ng bansa mula sa muay.

Nagkasya sa Pilak si Irish Magno sa boxing kasama si Haigen Topacio ng men’s trap. Nakakuha rin ang Pilipinas ng dalawang esports silver sa Cross Fire at League of Legends.

Ang mga nanalo ng bronze ay ang women’s 5x100m surface sa finswimming, ang mixed judo team, si Carlos Carag sa men’s trap shooting, si Zephania Ngaya sa vovinam 60kg.

Pormal na ring tinanggap ng mga boksingero na sina Nesthy Petecio, Marjon Pianar, Riza Pasuit, Josie Gabuco, at James Palicte ang kanilang bronze medals.

Habang tinatapos ng mga atleta at opisyal ang kanilang karanasan sa Hanoi sa mga closing ceremonies, ang mga atletang Pilipino ay ibinaling ang kanilang paningin sa susunod na SEA Games na iho-host ng Cambodia sa susunod na taon.RICO NAVARRO