PH nasa ika-80 pwesto sa global talent competitiveness index

PH nasa ika-80 pwesto sa global talent competitiveness index

November 15, 2022 @ 2:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Lumagapak ang Pilipinas sa ika-80 pwesto sa annual ranking ng abilidad ng mga bansa na makahikayat at makapagpanatili ng skilled workforce.

Base sa Global Talent Competitiveness Index 2022 ng business school Institut Européen d’Administration des Affaires (INSEAD), bumaba ang Pilipinas nang 10 pwesto sa ika-80 sa 133 bansa. Noong 2021, ang Pilipinas ay nasa ika-70 sa 134 bansa.

Mas mababa ang index score ng Pilipinas sa 38.06 ngayong taon, kumpara sa score nito na 44.63 noong 2021.

Sa Eastern at Southeastern Asia at Oceania group, ang Philippines ay iak-12 sa 15 bansa.

Sa 13 East at Southeast Asian nations, ika-apat sa pinakamababang pwesto ang bansa sa index, na sinundan ng Indonesia (82nd), Laos (99th), at Cambodia (103rd) na pinakamababa.

Sa Global Cities Talent Competitiveness Index, bumaba ang Manila ng isang pwesto sa ika-129 ngayong taon.

Sinusuri ang mga bansa base sa kanilang abilidad na makahikayat at panatilihin ang talent, vocational at technical skills, at global knowledge skills.

Kabilang sa top five na mga bansa sa Global Talent Competitiveness Index ang Switzerland, Singapore, Denmark, US, at Sweden. RNT/SA