PH Navy bibili ng 6 pang patrol vessels sa SoKor 

PH Navy bibili ng 6 pang patrol vessels sa SoKor 

May 23, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mag-oorder ang pamahalaan ng Pilipinas ng anim pang offshore patrol vessels (OPVs) na nagkakahalaga ng P30 bilyon mula sa South Korean shipbuilder Hyundai Heavy Industries (HHI) upang palakasin ang kapabilidad na protektahan ang national interests, lalo na sa West Philippine Sea.

“I’m waiting for the Navy to finalize the terms of reference….We are close to issuing (the notice of award). I hope I can sign the contract before I leave office [on June 30]. The Navy has chosen Hyundai Heavy Industries to build the OPVs,” ani Defense Secretary Delfin Lorenzana sa anibersaryo ng Philippine Navy nitong Biyernes.

Naka-base ang OPV ng Hyundai saHDP-1500 Neo design, na ipinrisenta sa Asia Defense and Security 2022 exhibition sa Manila noong nakaraang buwan. May habang 81 metro, displacement na 1,700 tonelada at maximum speed na 21 knots, inaasahan ang bagong patrol ships na magiging armado ng 76mm naval guns at autocannons sa remote controlled weapon stations.

Magkakaroon din ng antiship missile launchers, torpedo launchers, at short range air defense system. Darating ang mga barko kada taon sa dalawang batch, kung saan inaasahan ang pagdating ng unang batch apat na taon matapos ang pagpirma sa kontrata.

Ani Lorenzana, umaasa siya na itutuloy ng bagong administrasyon ang modernization program ng militar. RNT/SA