PH netter Eala gumawa ng kasaysayan sa sports; PSC head Eala nagpahayag ng papuri

PH netter Eala gumawa ng kasaysayan sa sports; PSC head Eala nagpahayag ng papuri

September 11, 2022 @ 2:53 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Todo puri ang bagong hirang na Philippines Sports Commission Chairman Noli Eala matapos masungkit ng kanyang pamangkin na si Alex Eala  ang unang US Grand Slam title ng bansa.

Natutuwa ang PSC head dahil kauupo pa lang niya ay nagdala na agad ng karangalang ang sikat ng tennis star na si Eala sa bansa at  nasama ang kanyang pangalan sa mga tinaguriang sports ng heroes ng bansa na sina Hidilyn Diaz, Philippine Women’s Football Team, Carlos Yulo, at EJ Obiena sa paggawa ng mga milestone para sa Philippine sports.

Aminado ang sports chief na isa siya sa pinakamasayang tagahanga ng sports sa ngayon dahil sa natamong karangalan ng kanyang pamangkin sa  US Open kung saan sinungkit nito ang juniors single crown.

“What a way to start my Chairmanship of the PSC,” ani ng dating PBA commissioner sa kanyang Twitter, sabay puri sa naabot na karangalan ng 17-year-old tennis star.

Iniuwi nang Pinay netter ang kauna-unahang Singles Grand Slam championship sa bansa matapos masakop ang 2022 US Open Girls.

Tinalo niya ang World no. 3 Lucie Havlickova, 6-2, 6-4, mas maaga nitong Linggo, sa USTA Billie Jean King Tennis Center sa New York City, USA.

“My own niece giving the country another reason to be proud and to celebrate. Amazing!” Nagpatuloy si Eala.

Ang dating PBA Commissioner ay pinarangalan kamakailan bilang bagong Philippine Sports Commission chairperson.

Inihayag niya na ang tagumpay ni Alex ay isang mahusay na pampalakas ng moral para sa kanya.

“Tunay na bayani si Alex. Taas noo kahit kanino. Yan ang Pilipino,” dagdag pa nito sa isa pang tweet.

Ayon pa kay Eala, noong 2020 ay tinanggihan ng mga magulang ni Alex ang pag-angkin ng suporta ng organisasyon.RICO NAVARRO